Chapter Twenty-nine

55 3 0
                                    

PAGKATAPOS na pagkatapos ko sa paghuhugas ng pinggan na pinagkainan ni Seven ay dumiretsyo na ulit ako pataas sa kuwarto niya.

Naabutan ko siyang seryosong binabasa ang mga letters na inilagay ko kanina sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama niya.
May ilan na siyang nabuklat na letter at nasa ibabaw ng kama niya iyon lahat.

“Ang sweet talaga ng mga tagahanga mo pag-dating sayo. Mga maamong-maamo, e.” natatawang ani ko bago isara ang pinto ng kuwarto niya.

Napa-angat naman ang tingin niya sa akin at napabuntong-hininga.

“Hulaan ko, ” aniya. “Inistorbo ka nila para ipadala ang mga iyan sa akin, 'no?” kunot noong tanong niya pa bago mapanguso at ilapag ang papel na binabasa niya sa ibabaw ng cabinet at isinunod niya ang iba pang nabasa bago umayos ng higa sa kaniyang kama.

“May letter din na ibinigay diyaan si Ma'am Aliaga, basahin mo.” turan ko sa kaniya na ikinatango naman nito bago ako sulyapan.

“Mamaya na lang.” mapupungay ang mga matang Saad nito na ikina-kunot ng noo ko.

“Inaantok ka?” puno ng kuryosidad na tanong ko sa kaniya na ikinatango naman nito bago mapahikab.

“Pero ayokong matulog. Gusto kitang maka-usap.” nakangising sambit nito at matigas ang ulong nilabanan ang pagsara ng mga talukap ng mga mata niya.

Side effect siguro iyon ng ininom niyang gamot.

Nginitian ko siya at naupo sa kama niya.

“Huwag mo ng labanan at matulog ka na. Babantayan na lang kita.” nakangiting suhestiyon ko na ikinatitig niya saglit sa akin.

“Pero maiinip ka lang.” nag-aalalang sambit nito na ikina-iling ko.

“Hindi, pwede naman akong maglaro sa computer mo o kaya naman mag-sketch. Kaya sige na, matulog ka na. ” pag-re-reassure ko sa kaniya saka inayos ang kumot niya hanggang dibdib.

“Tulog na.” tango ko sa kaniya. “Papikit na iyang mata mo, oh.” dagdag ko bago takpan ang mata niya gamit ang palad ko upang ipikit niya iyon pero laking gulat ko ng bigla niya akong hilahin pahiga at mahigpit na yakapin dahilan upang makulong ako sa bisig niya.

“This is much better.” bulalas nito at saka kuntentong bumuntonghininga.

Kaagad akong pinamulahan ng pisnge matapos makarecover sa gulat.

“S-seven! ” suway ko sa kaniya at muntikan ng mapatili ng imbis na sagutin ay isiniksik niya lang ang muka niya sa leeg ko.

“A-ano bang ginagawa mo, sev?! B-bitawan mo nga ako.” nauutal na tanong ko sa kaniya pagkatapos ay napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko matapos naramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ng leeg ko.

Gosh! Parte pa rin ba ito ng epekto ng lagnat sa kaniya? H-he's being super clingy right now!

Sobrang lakas na ng lagabog ng puso ko kaya naman panay ang kibot ko upang makawala sa pagkakayakap niya dahil sa ayokong marinig niya iyon. Sa sobrang lapit kasi namin sa isa't- isa ay hindi malabong maramdaman niya iyon pero bigo naman ako sa pagtatangka dahil mas  humigpit lang ang yakap niya sa akin at ipinatong pa niya ang binti sa binti ko upang hindi ako makagalaw na tuluyan ng  nagpawala sa puso ko.

“Huwag kang malikot, ami. Hindi ako makakatulog niyan. ” aniya sa medyo malalim na boses pero mahina ang tono niya.

His voice sounds really sleepy.
Pero kailangan bang yakapin ako at ikulong sa bisig niya?

We're too close to each other. Nararamdaman ko na nga ang body temperature niya, e. Sigurado akong mapapagalitan kami ni Lola esme kapag naabutan niya kami sa ganitong posisyon.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now