Chapter Sixty-one

123 2 0
                                    


Seven's Pov

"Ami... " tawag ko sa palayaw na ibinigay ko sa kaniya upang pigilin siya sa pagpasok sa gate, na pinagtagumpayan ko naman.

"Huh?" takang tanong niya bago ako lingunin mula sa kaniyang balikat at hindi man lang siya nag-abalang humarap sa 'kin. "May kailangan ka pa ba seven?" kunot noong tanong nito na saglit kong ikinatahimik.

Nanatili lang ako ro'ng nakatayo habang pinagmamasadan ang may gulong ekspresiyon niyang muka.

"H-hey... Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa' kin pero nanatili lang akong walang imik at ipinagpatuloy ang pagtitig sa kaniya.

"Mabuti pa siguro ay umuwi ka muna. Nabasa ka ng ulan at hindi pa nakakapag-bihis, baka magkasakit ka niyan." puno nang pag-aalala ang tono ng boses na usal pa nito at sa pagkakataong ito ay tuluyan na siyang napa harap sa akin ngunit nanatili pa rin akong tahimik habang pinagmamasdan pa rin ang ekspresiyon sa kalmadong muka niya.

"Oi! Seven Villaroman? Nandito ka pa b-

"Thank you, ami." may maliit na ngiti sa labing putol ko sa sasabihin niya na ikinalaki naman ng mga mata nito.

Nagsimula akong maglakad papalapit sa kaniya na bahagya namang ikina atras nito ngunit itinuloy ko lang ang paglapit ko na nakapag-papako sa kaniya sa kaniyang kinatatayuan.

"Thank you very much for being my first love, Amethyst Verone Clemente." dagdag ko pa para linawin ang dahilan kung bakit ko siya pinapasalamatan kasabay ng marahang pagdampi ng labi ko sa kaniyang noo at saka ako umatras palayo.

I witnessed how her eyes grew wide and how her lips quivered a bit pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon at pagkatapos ng paghalik ko sa noo niya.

Nakita ko kung paano dumaan ang iba't-ibang emosiyon sa muka niya. Happiness, joy, sadness, pain and betrayal. Nakita ko lahat ng iyon sa mismong mga mata niya.

"Y-yeah." mabilis na sabi niya kasabay ng pagtalikod niya ulit sa akin.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang ilang butil ng luhang kumawala sa mga mata niya at kung paano nabasag ng kaunti ang boses niya kanina bago niya ako talikuran.

It pains me. May kakaibang kirot sa puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak at doble ang sakit at kirot na 'yon ngayon dahil ako mismo ang dahilan ng pag-luha ng magagandang mata niyang 'yon.

"Sana..." pagsisimula ko saka huminto saglit upang humugot ng isang malalim na hinginga "S-sana, makapunta ka pa rin sa kasal ko. I want you there, ami. Isa ka sa pinaka importanteng tao na gusto kong makita sa kasal ko." dugtong ko.

I sound so cruel and selfish pero wala na akong ibang choice. She was my bestfriend, one of the few important person I want to see on my wedding day. Desperado na ako.

"L-lumalalim na ang gabi, seven. You should go home now. Baka nag-aalala na si nadia sa 'yo." mababa ang tono ng boses niya at medyo nanginginig ang boses niya habang sinasabi iyon.

Napangiti ako ng mapait dahil hindi ko nakuha ang sagot na gusto kong marinig mula sa kaniya.

Gusto ko siyang yakapin pero may kung anong pumipigil sa sarili ko at alam kong para iyon sa ikabubuti naming dalawa.

"Yeah, you're right. See you next time, ami. Have a goodnight." pilit ang ngiti sa labi ko habang sinasabi iyon. Hindi man siya nakaharap sa akin pero alam kong alam niya na pilit lang ang ngiting naka-ukit sa labi ko.

"Papasok na ako sa loob. Ingat ka na lang sa pag-uwi, sev." basag ang boses na sambit nito bago tuluyang pumasok sa gate ng bahay niya.

I watch her back habang papalayo siya sa akin papunta sa pinaka main door ng bahay niya. May ilang butil ng luhang kumawala sa mga mata ko habang pinapanood ko ang hindi kumportableng pagtaas baba bahagya ng balikat niya, indikasiyon na umiiyak siya. Tumila na din ang ulan kaya malaya kong napanood ang likuran niya papalayo sa 'kin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now