Chapter Twenty-two

55 2 0
                                    

Seven's Pov

"Sigurado ka ba talagang kaya mong umuwing mag-isa?" alalang tanong ko kay ami habang nakatingin sa kaniya habang nag-susuot siya ng jacket. "Hatid na kaya kita?" suhestiyon ko pa at nasa kaniya lang ang tingin.

Pauwi na kase siya dahil halos alas sinco na rin ng hapon. Malapit na ring mag-sara ang bakery namin.

"Hindi na nga. Ang kulit mo naman. Nakapunta nga ako ng mag-isa rito, e. Pauwi pa kaya?" may maliit na ngiti sa labing turan nito saka ako pabirong inirapan ng mata.

Napabuntong hininga naman ako dahil do'n. Buo na ang desisyon niya at malabo ko ng mabago pa iyon. Sayang naman. Gusto ko pa naman siyang ihatid. Naudlot ang bonding namin kanina dahil sa Aling bumili, e. Ang ganda na sana ng moment kanina, ang awkward tuloy pagkatapos no'n.

"Padilim na kasi. Baka may makasalubong kang haragan sa daan at pagtrip-an ka pa." pagdadahilan ko pa upang kumbinsihin siyang ihahatid ko siya pauwi pero inilingan niya lang ako saka tinawanan.

"Ayos lang. Ang daming tao sa daan. Tsaka kaya ko naman din ang sarili ko. Si Amethyst kaya to." pabirong turan niya saka pimyang ipinakita pa ang imagenary muscle niya siyang ikinatawa ko ng mahina bago mapabuntong hininga.

"Sige na nga. Mukang wala ka naman talagang balak magpapilit sa akin, e." may pagtatampo sa boses na usal ko na nginisihan niya lang.

"Hindi mo naman kasi kailangang ihatid pa ako. Hindi na ako bata, 'no." turan niya na ikina-tango ko naman.

"Oo na nga." pagsuko ko matapos sumang-ayon  sa kaniya. "Mag-iingat ka na lang pag-uwi ah? Text mo ako or tawagan kapag nakauwi ka, okay?" malumanay na pahayag ko at hindi maiwasang mag-alala sa kaniya.

Alam ko naman na kaya niya ang sarili niya pero hindi ko kasi maiwasang hindi mag-alala dahil hindi ko naman masasabi kung meron mang manghahamak na saktan siya habang papauwi. There's no telling when bad things will happened. Minsan bigla-bigla na lang may mangyayaring di maganda kaya naman sobra ang pag-aalala ko sa kaniya.

If only she knew how I worry about her safety.

"Ow!" daing ko at kaagad napasapo sa aking noo matapos makaramdam ng biglaang pag-usbong ng sakit mula roon.

"Masyado kang nag-o-overthink. Sabing kaya kong umuwing mag-isa, e." ismid ni Ami sa akin na siyang ikina-nguso ko naman.

"Tsk, masisisi mo ba ako?" ani ko na ikinabuntong hininga niya.

"Ewan ko sayo." pagtataray nito sa akin. "Text na lang kita kapag nakauwi na ako sa amin. Mauna na ako, sev." nakangiting turan pa niya na ikinatango ko naman.

"Ahm... Sige, ingat ka ami, ah? Text mo ko kapag nakauwi ka na. Iintayin ko yon." sagot ko na ikinatawa niya at ikinatango habang naglalakad kami palabas ng gate ng bahay namin.

"Oo na." natatawang wika niya.

"Siguraduhin mo lang. Kapag hindi mo ako tinext within 10 minutes, susunod talaga ako sa sayo para tingnan kung nakauwi ka na." sambit ko na ikinatawa niya at ikinahinto sa paglakad.

"Baliw! mag-t-text nga ako." iiling-iling na smabit niya habang magjaharap kaming nakatayo sa labas ng gate ng bahay namin.

"Sige na nga. Umuwi ka na. Baka gabihin ka pa sa daan, e." pagtataboy ko sa kaniya na ikina-ismid naman nito.

"Sino kaya ang may kasalanan kapag ginabi nga ako?"  mapanudyo ang boses na turan niya na ikinabuntong-hininga ko.

"Kaya nga pinapauwi na kita, e." sagot ko naman sa kaniya. "Bilisan mo na nga. Baka magbago pa ang isip ko at hindi na kita pauwiin sa inyo." panunukso ko pa saka siya nginisihan ng nakakaloko.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now