Chapter Eight

71 2 0
                                    

Ilang minuto lang ang nilakad namin ng makarating na kami sa clinic. Huminto kami sa tapat ng pinto bago 'yon buksan ni Seven.

Akmang papasok na siya ng hawiin ko siya sa gilid saka mabilis pa sa alas kwatrong pumasok ako sa loob at malakas na isinara 'yon sa pagmumuka niya.

Halos mapatawa pa ako dahil sa gulat na ekspresyon niya sa muka pero nagpigil ako dahil alam kong hindi niya magugustuhan 'yon.

"Ano ba'ng ginagawa mo, ami? Open the door! Papasukin mo ako." rinig kong inis na sabi ni Seven mula sa kabilang side ng pinto kasunod ng sunod-sunod at agrisibong pag-katok niya.

"Hindi na kailangan. Nandito na ako sa clinic, nasamahan mo na ako. Kumain ka na ng lunch at pumasok ka na sa klase mo, ayos na ako rito. Alis na, dali, shoo!" pagtataboy ko sa kaniya mula sa loob ng clinic.

Narinig ko pa ang sunod-sunod na mura niya mula sa labas pero 'di ko na 'yon pinansin. I was set on making him leave for him to eat his lunch and attend his remaining classes.

"Sige na, alis na, seven. Okay na ako rito." pangungumbinsi ko pa pero sadyang matigas talaga ang ulo ng isang' to.

"Isa." pagbibilang niya ng may madiin na tono sa boses. "Amethyst Verone Esquivel, kapag hindi mo binuksan ang pinto sisirain ko 'to." pagbabanta niya na ikinasinghap ko naman at bahagyang ikinalayo sa pinto.

"Y-you wouldn't. Sira ulo ka ba? Maga-guidance ka kapag ginawa mo 'yon!" hindi makapaniwalang sigaw ko mula rito sa loob ng clinic.

I heard him click his tounge before banging the door repeatedly.

"Yes, I will and I don't care. Buksan mo na, ami. Isa! H'wag mo ng hayaan na makabilang ako ng tatlo bago mo buksan ang pint-

"Mr. Villaroman? Ano bang kaguluhan ito?"

Napalaki ang mata ko dahil sa biglaang paghinto ni Seven at dahil na din sa pamilyar na boses na 'yon.

Si Mrs. Mary! Ang clinic nurse ng school!

Patay! Masungit pa naman ang isang 'to.

Gaga ka talaga amethyst, mapapahamak pa si Seven dahil sa'yo!

"Kung may away kayo ng girlfriend mo ay sa labas na lang ng school ninyo pag-usapan. Nakakaistorbo kayo ng klase." seryoso at prankang sabi nito na ikinapula naman ng muka ko.

Away? Girlfriend? Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko ngunit mabilis ko rin 'yong iwinaksi sa pamamagitan ng agresibong pag-iling ko sa ulo ko na nagpa-asik sa akin sa sakit matapos kumirot no'n.

Naku naman! Wala ako sa tamang sitwasyon para mamula ng ganito. Nasa alanganing sitwasyon ngayon si Seven at may sakit pa ako!

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto upang magpaliwanag pero napahinto rin ako kaagad sa pagpihit ng sedura ng pinto nang marinig kong magsalita si Seven.

"I'm sorry ma'am. Hindi po kami magka-away ni Ami. Meron lang po siya ngayon kaya niya isinara ang pinto at ayaw akong papasukin, nakasumpong po kasi. Nasakto rin po na may lagnat siya ngayon, kaya pasensiya na po. Nag-aalala lang ako sa kaniya. " paliwanag ni Seven sa tono na kahit sino ay makukumbinsi niya.

Napalaki ang mata ko dahil do'n. Ang lalaking ito! Napakatuso talaga. Pero teka? Bakit hindi niya itinanggi o tinama man lang na hindi niya ako girlfriend. Anong ibig sabihin no'n?

Napatakip ako sa sarili kong muka at ramdam ko ang pag-init ng dalawang pisnge ko dahil sa naiisip.

Posible kaya? Syempre hindi! Malabo 'yon amethyst h'wag asyumera.

"Gising amethyst!" mahinang bulong ko sa sarili ko matapos sampalin ng ilang beses ang sarili upang iwaksi ang nabubuong konklusyon sa isipan ko.

Wrong move nga lang dahil mas lalong namula ang muka ko dahil sa pag-sampal na ginawa ko sa sarili ko kanina.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now