Chapter Thirty-three

54 2 0
                                    


PAGKATAPOS kong mananghalian sa bench sa likod ng school ay napag-isipan kong bumalik na rin kaagad sa classroom namin. Medyo naiinip na rin kasi ako roon dahil ako lang mag-isa. Nasobrahan yata ako sa kapayapaang mayroon ang lugar na iyon, e.

“Amethyst! May nagpapabigay niyan sayo, oh.” malawak ang ngiting bungad sa akin ni Wendy sabay turo ng bagay na nakapatong sa lamesa ko.

Hindi pa ako nakakatapak ng tuluyan sa loob room ay siya na ang bumulaga sa akin. Muntikan pa nga akong napa-igtad dahil sa biglang pag-sulpot niya, e.

Napapantastikuhan ko siyang tinitigan bago kunot ang noo akong napatingin sa kaniya at naabutan siyang kinikilig habang nakatingin sa akin.

“Sinong nagpapabigay?” kunot noo at nagtatakang tanong ko na ikinakibit balikat niya.

“Hindi ko rin kilala, e. Ang sabi ng nag-abot ipina-abot lang din daw sa kaniya.” sagot nito na ikina-tango ko bago ko ibalik ang tingin sa mga bagay na nasa mesa ko.

It was a strawberry flavored dowee donut and a chukee drink. Ang mga paborito kong sweets at drinks. May sticky notes pa na may nakasulat na kung ano ang nakadikit ron. Naaninag ko lang pero hindi ko pa nakikita ang nakasulat.

Nasa pintuan pa rin kasi kami ni Wendy. Nakaharang siya sa pinto kaya hidni all makapasok. Muka kasing excited siya sa pinag-uusapan namin kaya hindi ko siya nagawang patabihin upang pumasok.

Tinanggal ko muna ang tingin ko sa mga iyon at itinuon ang buong atensiyon kay Wendy.

“Senior ba ang nag-abot sayo?” tanong ko ulit na ikina-iling naman nito.

Napakunot ang noo ko lalo. Kung hindi Senior ang nagbigay niyan, sino? Malabo namang si Seven dahil nasa meeting iyon ngayon. Wala pa rin naman si Nadia kaya nasisigurado ko na nasa meeting pa sila ngayon.

“Hindi, e. Sa palagay ko ay junior iyon. Batang babae ang nag-abot sa akin, e. Ang sabi ibigay ko raw sayo at ipinapabigay ng kakilala niya.” paliwanag nito na ikinatango ko naman.

“Thanks, Wendy.” usal ko at saka siya nginitian.

Kinindatan naman ako nito bago ako ngitian.

“Wala iyon basta love life ng mga kaklase ko, I'm more than willing to help. Si Wendy the cupid yata ito.” kuwelang usal niya na ikina-iling-iling ng ulo ko bago mapatawa.

“Wendy the cupid?” tawa ko at saka siya nginisihan. “Pero papaano iyan? Hindi mo rin naman kilala ang nagpabigay paano mo masasabing love interest ko nga ang nagpabigay niyan?” tanong ko sa kaniya na ikinangiti naman nito ng malawak.

“The sticky notes! Ang sweet ng nakalagay. May pa mysterious style pa ang nagpabigay. ” tila kinikilig na anito na ikinatawa ko naman.

Mas kinikilig pa kasi siya kesa sa akin na binigyan ng ganoon.

“Binasa mo? Nauna ka pa sa akin, ah.” panunudyo ko na ikinalaki ng mata niya bago awkward na mapangiti.

“Sorry, amethyst. Naexcite ako, e. ” napapakamot sa batok na anito na ikinatawa ko lang.

“Bihira na lang ito ngayon, e. You know, the secret admirer thingy?” dagdag pa nito at saka ako awkward na ngitian.

Napahalakhak naman ako dahil sa naging reaksiyon niya. She looks like a deer caught in a red light.

“Nagbibiro lang naman ako, Wendy. Ang cute mo talaga.” hagikgik ko na ikina-haba naman ng nguso niya.

“Amethyst naman, e.” nakangising muryot niya bago lumingkis sa braso ko at igaya ako papalapit sa mesa namin ni Nadia.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now