Chapter Fourty

69 3 4
                                    

"Sigurado ka ba talagang kaya mo? Samahan na lang kaya kitang umuwi, amethyst." Puno ng pag-aalala sa boses na sambit ni Wendy na ikinangiti ko habang umiiling.pang anim na beses na kasi niyang tinanong sa akin kung okay lang daw ba talaga ako.

Minsan talaga, pa din ang isang 'to, e.

"Sa braso lang naman ng sugat ko. Hindi sa buong katawan. Kaya ko naman ang sarili ko, Wendy. Salamat sa concern." nakangiting paliwanag ko sabay tapik sa balikat niya na ikina-buntong hiningang naman nito.

"Go, mauna ka ng umuwi. " dagdag ko pa bago inguso ang gate matapos naming makarating sa school ground.

Sinabayan niya kasi akong maglakad pababa s a building namin at kanina pa niya ako kinukulit na ihahatid niya daw ako kasi baka daw hindi ako okay. She was really sweet isn't she?

Nagsisisi tuloy ako na hindi ko siya kinaibigan dati pa lang. Ang bait kasi nitong si Wendy, e. At genuine talaga ang pag-aalala niya sa akin.

"Sabay na tayo sa gate. Paglalakarin mo pa akong mag-isa, e." parang batang anito bago yumakap sa kaliwang braso ko saka ako nginusuan na ikinatawa ko naman.

"Okay, okay." ani ko na ikinangiti naman niya ng malapad bago kami maglakad pareho papunta sa gate.

"I'm still on it, okay?" bulalas niya bigla habang naglalakad kami na ikina-kunot ng noo ko ay ikinatingin ko sa kaniya ng nagtataka.

"Ang alin?" kunot noong tanong ko na eksaharada niyang ikina-singhap bago napabitaw ng kapit sa braso ko.

"Ang paghahanap kung sino ang secret admirer mo. Nakalimutan mo na?!" eksaheradang tanong nito na ikina-kurap-kurap ko sa kaniya.

Napa-awang ang labi ko bahagya dahil sa nalaman. I thought it was just a joke. Hindi ko naman alam na seryoso pala tungkol doon.

"It's okay. Hindi mo naman kailangang hanapin kung sino iyon. Tsaka, paano pa magiging secret admirer 'yon kung malalaman naman natin kung sino siya 'di ba?" pahayag ko na siya namang ikina-kurap-kurap nito at natahimik saglit.

Curious din naman ako at gustong Malaman kung sino ang nasa likod ng mga comfort food ko na bigla nalang kumilotaw sa mesa ko araw-araw pero kahit gusto ko mang alamin kung sino iyon mukang Hindi ko na magagawa dahil kung malaman ko man kung sino, wala naman ding mangyayari.

My heart is already beating for someone else.

"Oo nga, no?" dismayadong sambit naman niya na bahagya kong ikina-ngiti bago ipalupot ang kaliwang braso ko sa kanang braso niya at marahang siyang hilahin upang magpatuloy sa paglalakad.

"Hindi pa rin ako titigil. Curious talaga ako kung sino siya, e. Aalamin ko na lang pero hindi ko sasabihin sayo." aniya sabay hagikgik at pagkatapos ay napatango-tango pa na animo'y nadiyahan siya sa naisip na ikinatawa ko naman ng mahina.

"Ikaw ang bahala." pagkibiy balikat ko na sunod-sunod naman niyang ikina-tango-tango bago ibaling ang tingin niya sa daan pero nawala ang ngiti sa labi niya ng gawin niya iyon.

Napakunot tuloy ang noo ko at sinundan ang tingin niya. Bagay na hindi ko na lang dapat ginawa.

"S-si Nadia... Hindi talaga ako komportable sa kaniya." mahinang sambit ni Wendy habang hini maganda ang timpla ng muka niya.

Siya kasi ang nakita niya kasama.ni Seven na naka-alalay sa kaniya papalabas ng gate ng school. Mukang ihahatid siya ni Seven pauwi.

Wow! Ni wala man lang text sa akin na hindi niya ako sasabayan sa pag-uwi. Ay, oo nga pala. Hindi naman niya obligasiyon iyon. He also have a life. Hindi naman pwedeng sa lahat ng oras involved ako sa mga gagawin niya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now