Chapter Fifty-one

53 3 0
                                    


“F-france...?” mahinang bulalas ko habang nakatulala sa kung saan.

“Oo, Amethyst. Isang malaking opirtunidad ito para sa'yo anak.” masayang ani mama sa akin. “Alam mo naman na hindi kita kayang pag-aralin kahit ano pang gawin kong pagpapa-alila sa maynila para lang matustusan ko ang pag-aaral mo.” napapabuntong hiningang sambit pa ni mama bago lumiit ang ngiti sa labi.

Halata sa boses niya ang lungkot at pagkadismaya na siya namang ikipinanlabi ko.

“Amethyst... anak?” tawag pa nito sa akin kasundo ng isang mainit na kamay na pumatong sa tensyonado kong balikat. Napadpad sa kamay na 'yon ang tingin ko bago mapaa-angat upang salubungin ang malungkot na muka ni mama.

Halata sa muka niya ang pagod. Kitang-kita rin ang namumuo at maitim na eye bags sa ilalim ng mga mata niya. Nanunuyo rin ang labi niya na tila ba kulang siya sa tubig.

Napalaki ang mata ko dahil ngayon ko lang napansin ang mga iyon. She seems excausted.

“Ito lang ang naiisip kong paraan para makapag-tapos ka sa kursong gusto mo.” marahan ang pananalita ni mama na tila ba gusto niyang maintindihan ko ang rason niya kung bakit gusto niya akong pasamahin kay tita para sa France na mag-kolehiyo. “K-kayang tustusan ng tita mo ang pag-aaral mo ro'n sa France. Mararanasan mo ro'n ang buhay na hindi ko kayang ibigay sa'yo.” dagdag pa nito at saka mapait na napangiti sa akin.

Ibinuka ko ang bibig upag magsalita ngunit wala naman akong nailabas na tunog matapos gawin 'yon. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses kahit na gustong-gusto kong sabihin kay mama na masaya ako na kasama siya kahit pa mahirap lang kami. Gustong-usto kong sabihin sa kaniya na kahit mahirap kami ay masaya ako basta kasama ko siya. Na kahit na anong hirap pa ang danasin namin ay magihing matatag ako basta nasa tabi ko lang siya.

“Makakakain ka ro'n ng tatlong beses isang araw. Makakapag-suot ng magagandang damit gaya ng sinusuot ng mga ka-eskwela mo. H-hindi ko kayang iparanas sa'yo ang gano'ng buhay, anak. Sumama ka na sa tita mo sa France. Mas makakabuti 'yon sa' yo.”

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapa-iyak dahil sa sinabing 'yon ni mama.

“P-pero... Gusto ko pong kasama kayo.” mahinang usal ko bago mapayuko. “Gusto ko po sa tabi niyo lang ako, 'ma.” nanginginig ang boses na usal ko bago kuhanin ang nanginginig na kamay ni mama at ilagay 'yon sa pisnge ko.

“Amethyst...” malungkot na tawag ni mama sa pangalan ko at nanunubig ang mga mata niya akong tiningnan.

Puno ng lungkot pati ang pagod niyang mga mata kaya naman mas lalo akong napa-iyak.

“A-ayos lang naman po sa' kin kung magiging working student ako, e.” humihikbing saad ko bago mapalunok. “B-basta kasama ko po kayo. Kahit wala tayong pera okay lang sa'kin. Kapag umalis ako walang mag-aalaga sa inyo kapag nagkasakit kayo, e. Wala ng magdidilig sa mga halaman niyo kapag lumuwas kayo ng maynila. Gusto ko magkasama lang tayo 'ma. H'wag niyo naman po akong paalisin.” humihikbing usal ko bago punasan ang luhang walang tigil aa pag-tulo mula sa mga mata ko.

“Amethyst? Gusto mo akong mabigyan ng magandang buhay, hindi ba?” tanong ni mama na kaagad ko namang ikinatango.

“Opo.” sagot ko na ikina-angiti naman nito.

“Kung gano'n sumama ka sa tita mo sa ibang bansa at magtapos do'n ng pag-aaral para sa akin. ” napalaki ang mata ko dahil sa pahayag niyang 'yon.

Sa tono kasi ng pananalita ni mama ay parang gustong-gusto niya talaga akong umalis. Para bang desperada siya na mapa-alis ako at mapag-aral sa France kung nasaan naroon ang Tita ko na Kapatid ni Papa. Ramdam ko ang pag-sikip ng dibdib ko at ang pagkirot no'n.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon