Chapter Fourty-nine

61 5 2
                                    

AWKWARD. Iyan ang salitang maglalarawan ngayon sa atmosera sa loob ng hospital room kung nasaan ako.

Naka-upo lang ako habang pabalik-balik ang tingin kay Hiro na naka-upo sa upuan sa tabi ng hospital bed ko. Habang si mama naman ay naka-upo sa tabi ko dito sa hospital bed habang mapanuring nakatingin kay Hiro m halata namang kinakabahan sa mga titig ni mama sa kaniya.

Pati ako ay hindi ko maiwasang pagpawisan ng malamig dahil sa tingin na ipinuukol ni mama kay Hiro. I was surprised to see him here again, visiting me.

May dala pa siyang mga prutas at isang medium size na paper bag na hindi ko alam ang laman.

Sa sobrang nipis at awkward ng atmospera sa loob ng silid na ito ay gusto ko na lang lumabas kahit hindi pa kaya ng katawan ko.
Hindi ko alam kung sino ang unang magsasalita sa aming tatlo.

“Erm...” tikhim bigla ni Hiro na pumutol sa katahimikan na siya namang ikinabuntong-hininga ko.

Finally! May naglakas loob na ring magsalita.

“H-hello po Mrs. Esquivel. Magandang hapon po.” bati ni Hiro kay mama bago nito Kunin ang kamay ni mama at magmano room. saka ito ngumiti pero muntik pa akong nagawa dahil ang awakard ng ngiti niyang iyon.

Pinagpapawisan din siya at halata ang kaba dahil hindi siya makatingin kay mama.

“Magandang hapon rin. Kaawaan ka ng diyos.” ani mama matapos magmano sa kaniya ni Hiro.

Pagkatapos noon ay natahimik ulit si Hiro at mapanuri naman siyang tiningnan ulit ni mama.

“Mama, huwag niyo nga pong titigan ng ganiyan si Hiro. Tinatakot niyo yung tao, e.” napapabuntong-hiningang suway ko kay mama na ikinatingin nito sa akin.

Sinulyapan ako nito saglit bago bumaling kay Hiro na siya namang ikinangiti ko. Boombastic-side eye kasi ang ginawa ang Nanay ko sa akin.

Wala naman akong ginagawa sa kaniya, ah?

“Manliligaw ka ba ng anak ko?” walang pakundangang tanong ni mama kay Hiro na ikinalaki naman ng mata nito at siyang muntikko ng ikinasamid sa sarili kong kaway.

“'ma! Ano ba'ng pinagsasabi niyo? Puro naman kayo kolokohan, e.” suway ko ulit Kay mama na ikinasilay naman nito sa akin habang masama ang tingin.

“Tahimik. Hindi naman Ikaw ang kinaka-usap.” masungit na suway nito sa akin pabalik na ikinatiklop kaagad ng bibig ko bago mag-iwas ng tingin.

“Ano, iho... Manliligaw ka ba nitong si Amethyst?” tanong pa ulit ni mama kay Hiro na ikina-baling ko sa kanila.

I caught Hiro's gaze on me. Tila kinakabahan siya at hindi alam ang isasagot.

Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay anoming nagsusumamo na iligtas ko siya pero Hindi ko kayang gawin iyon dahil Nakita niya namang sinungitan ako.

Nginitian ko na lang siya ng maliit bago ako napakamot sa pisnge ko dahil sa hiya. Si mama naman kasi, e. Lahat na lang ng bagay sa kaniya may malisya.

Hysssst!

“H-hindi po.” sagot naman ni Hiro na ikina-kunot naman ng noo ni mama.

“E, bakit ka narito kung ganon? Ngayon lang kita nakita, e. Crush mo ba ang anak ko? May masama ka bang motibo sa kaniya?” suno-sunod na tanong pa ni mama na animo'y ini-interrogate si Hiro.

Napatampal na lang ako sa aking noo dahil don.

What's with her today? Bakit ba siya tanong ng tanong kay Hiro ng ganito? Bumibisita lang naman yata yung tao ulit.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now