Chapter Eighteen

69 2 0
                                    

“Napagod ako ro'n, ah?” may masayang ngiti sa labing bulalas ni Seven matapos maka-upo sa isang bench dito sa bilihan ng pag-kain sa loob lang din ng Perya.

Napangiti ako habang nakatayo sa harapan niya at pinapanood ang kontento at masayang ekspresyon niya sa muka bago maisipang tabihan siya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga bago mapatawa.

“Napaka hyper mo, e. Para kang bata na ngayon lang pinalabas ng bahay. Sobrang sigla at kulit.” natatawang sambit ko bago mapahagikgik.

Napatawa naman siya dahil do'n bago ako bungguin ng marahan gamit ang balikat niya.

“Pero aminin mo. Nag-enjoy ka rin 'di ba? Minsan na lang tayong mag-saya ng ganito ng tayong dalawa lang, e.” malawak ang ngiting tanong niya sa akin na ikinatawa ko naman ng malakas.

“Sinong hindi mag-eenjoy kung katulad mong hyper ang kasama ko?” Nagpipigil ng tawang usal ko na ikinatawa niya rin naman ng mahina.

“Teka, ano bang gusto mong kainin? Nagugutom na ako, e.” biglang tanong nito bago ako harapin.

Sinulyapan ko siya saglit bago ibalik ang tanaw ko sa ferris wheel na umiikot ng dahan-dahan sa 'di kalayuan sa amin.

“Ihaw-ihaw na lang tayo? Matagl-tagal na rin no' ng huling kain ko no'n, e.” sagot ko sa kaniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa Ferris Wheel.

Masaya kayang sumakay ro'n? Hindi pa kasi ako nakakasakay ulit sa gano'n dahil nga bukod sa may takot ako sa height at nerbyosa ako, no'ng buhay pa si papa ang huli at unang beses na sakay ko sa Ferris Wheel. Baka kapag sumakay ako do'n ulit ay himatayin ako kapag nasa tuktok na. Sobrang liit ko pa lang kasi no'ng unang sakay ko no'n at kasama ko ang parents ko that time kaya siguro hindi ako natakot no'n.

“Sige, dito ka lang, ah? Ako na ang bibili.” paalam niya na siyang ikina-tango ko lang.

Hindi ko pa rin kasi maalis ang tingin ko sa umaandar na Ferris Wheel. Gusto kong masubukang sumakay ulit ro'n. Mukang maganda rin kasi ang view kapag nasa tuktok na, e. Although nakakatakot, worth it naman siguro kung breathtaking view naman ang sasalubong sa'yo.

“Oh, ito na.”

Nabalik ako sa ulirat dahil sa isang malaking cup na puno ng samo't saring ihaw-ihaw ang humarang sa muka ko.

Napakurap-kurap ako bago madako ang tingin sa nakakunit ang noong si Seven.

“Nandito ka na kaagad? Ang bilis mo naman. Wala bang masyadong bumibili?” kunot noong ko na inilingan niya lang.

Napatingin tuloy ako sa binilhan niya at nakitang maraming tao ang bumibili pero nakabili diya kaagad ng pagkain namin.

“Pinauna nila ako sa pila, e. Na-gwapuhan yata sa akin.” puno ng confident na sabi niya bago mapatawa.

I snorted at that bago napailing ang ulo ko.

Ano pa bang aasahan? Kahit saan nga pala pumunta ang isang 'to papaburan siya ng lahat dahil bukod sa pogi ay mabait din. Nadali ang mga nakapila sa karisma niya at pinauna na siya sa pila.

Ibang klase talaga.

“Kahit saan napakalakas ng karisma mo, ah? How to be you po?” pabirong usal ko na tinawanan niya naman.

He even puffed out his chest in pride na mas lalong ikinatawa ko.

“Kumain na nga tayo. Mukang lumalaki na ang ulo mo sa mga papuri ko, e.” pabirong ismid ko na tinawanan lang niya.

Ibinaba ko ang binigay niyang cup sa akin at napalaki ang mata ng makita ang dalawnag paper plate n apuno ng street foods.

Napakunot ang noo ko at gulat siyang binalingan ng tingin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now