Chapter Fifty-five

106 2 0
                                    


“Hindi pa rin ako makapaniwala na graduate na tayo ngayon.” napapabuntong hiningang bulalas ni Wendy bago napasalampak ng upo sa isang silay dito sa loob ng classroom namin.

May kaunting salo-salo kais kami pagkatapos ng graduation ay dito iyon gaganapin sa room namin kaya nandirito kaming lahat.

Mahabang pa ang pila s akuhanan ng pagkain kaya naupo mun akami upang pahupain ang pila.

“Parang ambilis ng panahon, 'no? Parang kailangan lang junior high school pa lang tayo dito pero ngayon graduate na tayo ng Senior High.” nakangiting sambit naman ni Lyndsey na ikinatango ng lahat.

“Argh, ma-mi-miss ko talaga ang school na 'to.” si Angel naman ang nagsalita na medyo maiiyak na yata na tinawanan naman ng ilan pero kalaunan ay mga nanggigilid na rin ang luha nila.

Habanga ko ay tahimik lang na nakikinig sa usapan nila. Sasagot lang ako kapag tatanungin. Ni ngayon ngang magsimula Silang mag-iyakan ay wala man langa Kong maramdaman.

Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko, I was happy but sad at the same time. Magtataloniyon sa loob ko kaya hindi ko makalabas ang emosiyon Kong gustong ilabas dahil naghalo-halo na ang mga iyon sa loob ko.

I want to leave. Gusto ko ng umalis dito pero ang bastos ko naman kung iniwanan ko ang mga kaibigan ko na Amy posibilidad na ngayon ko na lang ulit makita kapag umalis na ako rito.

“Amethyst? Pwede ba kitang maka-usap?”

Nabasag ang pag-i-isip ko dahil sa boses na iyon. Hindi ko alam kung haharap ba ako o hindi dahil gulo pa talaga ngayon ang isipan ko.

Pero dahil nasa akin ang tingin ng mga kaibigan ko at nasa boses na nagsalita ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang humarap sa kaniya.

“Nadia? Anong pag-uusapan niyo?” kuryosadong tanong naman ni Lyndsey na ikinatingin ni Nadia sa kaniya.

“Oo nga, pwede naman dito kayo mag-usap. Hindi naman kami iba sayo.” sang-ayon naman ni Angel na ikinatingin ko sa kanila mula sa balikat ko.

Kunot ang noo nila habang nagtataka ang tingin sa amin ni Nadia. Napansin siguro nila na hindi ako nagbalak ng kausapin ako ni Nadia gayong kami ang laging magkasama dati.

Nung napadpad naman Kay Wendy ang tingin ko ay napabuntong-hininga ako ng mahina. Seryoso kasi ang muka niya at halatang hindi natutuwa na Nas aharapan ko ngayon si Nadia.

“C-confidential kasi kaya gusto kong maka-usap si Amethyst ng kami lang dalawa.” paliwanag naman ni Nadia na ikina-baling ko ulit sa kaniya.

Nakita ko naman ang pagtango ng mga kaibigan ko bukod kay Wendy na natahimik simula ng dumating si Nadia.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil doon at nagsimulang maglakad papalabas ng classroom.

“Babalik ako.” kaswal na anas ko bago maglakad papalabas ng classroom namin upang maka-usap ni Nadia.

I want to get this over with. Napag-isip-isip ko kasi na aalis naman na din ako bakit hindi ko pa ayusin kung ano mang gusto sa pagitan naming dalawa.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin unti-unti na akong natauhan. Hindi matatahimik ang isip at puso ko kung mananatili ako sa ganitong posisyon. Being bitter over something I didn't take risk for is bad for me. At magiging masama lang iyon habang tumatagal kung hindi ko kaagad iyon reresolbahin kaya naman para sa ikapapalagay ng loob ko kahit magiging masakit sa una at kahit magiging mahirap tanggapin at susugal na ako.

I'm giving him up. Iyon lang ang naisip kong paraan upang makalaya sa pagkakasakal sa lintik na one sided love na 'to. Ako lang din naman ang nahihirapan, e.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now