Chapter Fifty-four

50 2 0
                                    

May 31 20xx. Nakasuot ako ng puting dress sa loob ng puting togang suot-suot ko ngayon. Araw na kasi ng Graduation day namin ngayong nga Grade 12 students.

Imbis na maging masaya ang araw na ito ay hindi ko magawa. I can't even smile like how my colleagues smile in this very special day.

Paano naman ako sasaya kung hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ng mama ko? Hanggang ngayon din ay nagdadalawang-isip pa ako sa sasabihin kong sagot kay mama.

I'm waiting for a sign to back down pero kapag wala akong natanggap na sign ay wala ng atrasan ito.

Pagkatapos ng program ay sasabihin ko na kay mama na papayag na ako sa gusto niyang mangyari. Ang hirap kasi ng sitwasiyon naming dalawa. Kami na nga lang ang magkatuwang sa buhay hindi pa kami nagpapansinan at may tampo pa sa isa't-isa.

Ayoko naman na ganito kami ng matagal na panahon. Si mama na nga lang ang kakampi ko sa buhay mawawala pa siya sa akin. Kaya kahit lang sa loob ko ang gusto niya ay susundin ko.

I have no choice. Napakalaki ng utang na loob ko sa mama ko, e. Hindi niya ako inuubliga na suklian iyon dahil ako ang may gustong suklian lahat ng sakripisyo niya para sa akin.

It's the least I can do as her daughter.

"Amethyst, iha!" masayang tawag sa akin ng isang pamilyar na boses na nakapagpabalik sa akin sa ulirat .

Kakapasok ko pa lang sa gym ng school kung saan iraraos ang graduation day naming mga Grade 12 students ng marinig ko kaagad ang boses na iyon.

Lahat ng strand ay naririto at nasa kaniya-kaniya na nilang row ng upuan.

"Lola Esme, hello po." nakangiting bati ko sa kaniya ng makalapit sila sa akin.

Kasama niya si Seven na blangko ang muka habang nakatanaw sa akin. Napatitig siya sa akin saglit pero nag-iwas din naman ng tingin.

The corner of his lips twitch in a distress way na para bang nasira ang mood niya ng makita ako. Napangiti tuloy ako ng mapait dahil don.

Ah, so ganon na lang pala iyon? Wala nanamang pansinan? Ano bang ginawa ko sa kaniya?

"Ang ganda naman talaga ng batang ire. Manang-mana sa nanay." nai Lola Esme at saka siniko pa si mama na tinawanan lang naman ng huli.

Napatingin tuloy ako sa kaniya.

"Asus, si 'nay Esme naman. Saan pa ba magmamana iyan ng kagandahan kung hindi sa akin lang?" biro naman ni mama pabalik na ikinahagikgik naman ni Lola Esme bago bumaling sa amin.

"Oh, siya. Seven tabihan mo si Amethyst at kukuhanan ko kayo ng larawan." sambit ni Lola Esme na ikinabuntong hininga naman ni Seven bago lumapit sa akin.

Nakapanlabi naman ako dahil sa pagbuntonghinga niyang iyon. Mukang napipilitan lang naman siya.

Poprotesta na sana ako pero bigla namang nagsalita si Lola Esme.

"Amethyst, lapit ka pa ng bahagya. Para naman kayong magka-away niyan." pabirong ani Lola Esme Maya wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya.

Malawak kasi ang ngiti niya at halatang masaya siya. Ayoko namang Alison ang ngiting iyon sa mga labi niya.

Napatingin ako kay mama at napakunot ang noo ko ng maabutan siyang nakatingin Kay Seven na nakatingin din pala sa kaniya.

Para silang ang-usap gamit ang mga mata nila na mas ikina-kunot naman ng noo ko.

"Say Cheese!" ani Lola Esme kaya naman kahit pilit ang ngiti ko ay ngumiti pa rin ako.

"Hayan, oh. Thalia kayo naman ni Amethyst." baling ni Lola Esme kay mama sabay tulak rito ng marahan papalapit sa akin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now