Chapter Twenty

68 2 0
                                    

"Kamusta naman sa school, Amethyst?"

NAPATIGIL ako sa paghahalo ng mga pinagsama-samang ingredients sa isang bowl matapos tanungin 'yon ni Lola esme.

Saglit ko siyang sinulyapan bago mapangiti.

"Okay lang naman po." nakangiting usal ko. "Medyo nabusy lang nitong mga nakaraang linggo dahil sa reportings at school work pero ayos naman po lahat. Buhay pa naman po ako sa dami ng school works, e. " daldal ko pa na ikinatawa naman nito.

"Ang pilya mo talagang bata ka." tawa nito na ikinatawa ko rin bago bumalik sa ginagawa.

"E, ang mama mo? Kamusta naman sa maynila?" tanong ulit nito na ikinatigil ko saglit sa ginagawa bago mapabuntong hininga.

"Hindi ko po alam, e. Hindi pa po kasi siya tumatawag sa akin. Baka po busy pa sa trabaho niya." sagot ko at saka nagkibit balikat na lang bago ipagpatuloy ang ginagawa.

"Gano'n ba? Baka nga abala sa trabaho ang mama mo. Napakasipag pa naman talaga kasi ng mama mo, e." sambit namna nito na syang ikina-ngiti ko.

"Iyon na po siya, e. Tsaka kailangan din mo talagang kumayod, e. Kami na lang po ang magkatuwang sa buhay, pinag-aaral niya pa ako." may maliit na ngiti sa labing usal ko at saka mahinang bumuntong-hininga.

Kahit naman kasi anong pilit ko na hindi maguilty sa ginagawang pagsasakripisyo ni mama ay hindi ko magawa. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa kaniya lang ako laging umaasa. Ayaw kong nahihirapan si mama pero wala naman akong magawa para tulungan siya.

Gustuhin ko mang magtrabaho ay hindi ko magawa dahil underage pa ako at wala akong trabahaong mapasukan na akma sa schedule ng araw na wala akong pasok. Magagalit din si mama kapag nalaman niya na naghanap ako ng trabaho para tulungan siya. Ang gusto kasi niya ay mag-focus lang ako sa pag-aaral ko. Ilang beses ko na nga siyang kinumbinsi na payagan na akong maghanap ng trabaho para tustusan ang pag-aaral ko pero tinatanggihan niya ako lagi at binabantaan na magagalit siya sa akin. Kaya naman daw niya, 'yon ang sabi niya sa akin, kaya naman hindi ko na ipinilit ang gusto ko kahit gustong-gusto ko siyang tulungan.

"Gusto mong tulungan ang mama mo, ano? Ayaw mo siyang nakitang nahihirapan?" napa-angat bigla ang ulo ko dahil sa tanong na iyon ni Lola esme.

Nagdadalawang-isip akong lumingon sa kaniya at naabutan siyang bakangiti sa akin na siyabg ikipinanlabi ko bago ngumiti ng mapait.

"O-opo," pag-sang-ayon ko sa tanong niya bago mapayuko. " Naawa na po ako kay mama, e. Medyo nagkaka-edad na rin po kase siya pero kumakayod pa rin para sa pag-aaral ko." nanginginig ang boses na usal ko at napakagat na lang sa pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang luha na gusto ng kumawala sa mga mata ko.

"Naiinis po ako sa sarili ko kasi wala akong magawa para tulungan siya kahit papaano. Pakiramdam ko po para akong walang kwentang ana-

"H'wag kang mag-iisip ng ganiyan, Amethyst." putol sa akin ni Lola esme bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

Nanggigilid ang luha akong tumingin sa kaniya ng medyo may gulat na ekspresyon sa muka.

"Hindi gugustuhing marinig ng mama mo ang iniisip mo para sa sarili mo kase akala mo wala kang magawa para tulungan siya." dagdag pa nito bago maghugas ng kamay sa gripo sa lababo. "May nagawa ka Amethyst. Nag-aaral ka ng mabuti para suklian ang sakripisyo niya. Tinitiis mong mahiwalay sa kaniya para makatapos ka ng pag-aaral mo para sa kaniya. Do'n pa lang may nagawa ka na para tulungan siya, e." paliwanag pa nito na tuluyan ng ikinabagsak ng mga luha ko.

"Trabaho ng isang ina na kumayod para masustentuhan ang pangangailangan ng anak kahit pa mapalayo siya rito. Gano'n mismo ang ginagawa ng mama mo, Amethyst. Ang swerte mo sa kaniya at ang swerte niya sayo dahil mabait kang bata at talagang mahal mo ang magulang mo. Hindi lahat ng kabataan ngayon ay may ganiyang ugali." mahabang pahayag pa nito na ikinayuko ko sa sobra-sobra pag-iyak.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now