Chapter Thirty

76 2 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pagbukas ng pinto at dahil na rin sa pagpasok ng amoy manly na sabon sa aking ilong.

Kaagad akong napabalikwas ng bangon matapos bumalik sa ulirat at mapagtantong wala ng mahigpit na nakayakap sa beywang ko.

Nakaramdam naman ako ng kaunting pagkadismaya pero gumaan din naman ang loob ko dahil gumising aklng hindi awkward at walang nakayakap sa akong Seven–

!!!

Napalaki ang mata ko at histerikal  na binalingan ng tingin ang parte ng kama kung saan siya nakahiga kanina at makitang wala siya roon.

Saan naman nagpunta ang isang iyon? May lagnat pa siya, ah?!

“Hanap mo ko, Ami?” anas ng isang mapanlarong tono sa hindi kalayuan kaya naman parang robot akong napatingin kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Pagkaharap ko sa kanan ko ay bumungad sa akin si Seven na nakangiting sa akin ng may mapanlarong ngiti sa mga maninipis niyang labi. Basa ang buhok niya at may tuwalya pang nakasabit sa leeg na halatang kakalabas niya lang sa banyo pero napalaki ang mata ko ng bumaba ang tingin ko sa dibdib niya.

Kaagad akong pinamulahan ng muka ng mapagtantong wala siyang suot na pang-itaas ng damit dahil siguro makalabas niya pa lang sa banyo. He's only wearing a light grey sweatpants for heaven sake!!

Lantad na lantad tuloy ang hindi pa well develop niyang abs pero kapansin-pansin pa rin naman iyon.

“Huwag mong pakatitigan. Baka malusaw ang abs ko niyan. Mababawasan ang charm ko.” pabirong sambit niya na nakapagpabalik sa akin sa ulirat at doon lang napagtanto na nakatitig pala ako sa abs niya.

“ B-bakit ka ba kasi walang suot na saplot pang-itaas? M-magdamit ka na nga!” nauutal na ani ko matapos mag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Asus, tapos ka na kasing masilayan ang abs ko kaya mo ako pinagdasamit. Ibang klase ka rin, e.” turan niya pa sa nang-aasar na tono.

“Feeling ka rin, e , no? M-magdamit ka na nga!” mahinang asik ko sa kaniya na ikinatawa lang nito.

“Magdadamit na po.” anito kasunod ng mga yabag nito papalapit sa akin.

Nasa malapit kasi sa computer place niya ang cabinet niya kaya kailangan pa niyang maglakad malapit sa akin. Madadatnan niya ang kama niya kung nasaan ako.

Todo pikit naman ako habang papadaan siya. Rinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na tila ba nasisiyahan siya sa inaasta ko.

Pamuwisit talaga!

Iyong pagkachildish niya kanina at pagkalambing sa akin ay nawala na at napalitan na ulit ng mahilig mang-aasar na si Seven. Isa lang naman ang ibig sabihin niyon. Magaling na siya at wala ng sakit.

Magaling na siya dahil bumalik na siya sa dati niyang ugali. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako sa kaniya dahil naaasar na niya ulit ako o matutuwa dahil magaling na siya, e.

Lagi na lang mix emotion ang binibigay at ipinaparamdam niya sa akin.

“Ayos na. Pwede ka ng dumilat, ami.” pagpapa-alam nito sa akin na dahilan para idilat ko na ang mata ko at tumambad sa akin ang pigura niya.

Itim na damit ang isinuot niya. Nakatayo siya sa paanan ng kama habang nakapamulsa ang kamay sa suot na light grey na sweat pants.

“Tara na sa baba. Sigurado akong tapos ng maghain si Lola ron.” anyaya nito sa akin at inilahad ang kamay na ikina-kurap-kurap ko naman.

Nakahain na? Gabi na ba? Ganon ba kahaba ang naging tulog ko?

“Bakit hindi mo ako ginising?” takang tanong ko at inabot ang kamay niya. Tinulungan niya akong umahon sa kama at hinila na palabas ng kwarto niya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now