Chapter Four

103 5 0
                                    


"Amethyst, anak! Bilisan mo riyan, nandito na si tisoy!"

Malakas na sigaw ni mama mula sa ika-unang palapag ng two-story house namin. Kasunod ng sigaw ni mama na abot na 'ata sa kabilang baranggay ay ang isang masayang tawa na pamilyar na pamilyar sa'kin. It was Seven's laugh.

Gustong-gusto kasi nito ang palayaw na ibinigay sa kaniya ni mama na 'tisoy' dahil bukod sa maputi at makinis ang balat niya na parang may lahi ay hindi rin naman maipagkakaila na may maipagmamalaki ang isang 'yon pag-dating sa itsura, bonus na lang na matalino pa siya.

"Pababa na po. Sandali na lang." sagot ko pabalik at minadali nang magsuot ng sapatos.

"Naku, pagpasensiyahan mo na at mabagal talagang kumilos ang batang 'yon. Oh! teka tisoy, kumain ka na ba ng almusal? Kumain ka muna kaya rito?" rinig kong daldal ni mama sa baba na ikinangiti ko naman ng bahagya.

"Hindi gaano kagarbo ang ulam pero mabubusog ka naman riyan." rinig ko pang sabi nito.

Pagdating kasi kay Seven, napaka-asikaso niyang si mama. Kulang na nga lang ay patirahin na niya siya rito dahil parang anak niya na rin kung ituring si Seven. Minsan nga mas anak niya pang ituring si Seven kaysa sa akin, e.

Well, masaya naman ako dahil close sila ni Seven dahil siya lang naman ang kaisa-isang matalik na kaibigan ko. Pero ang unfair lang na parang napaka among anghel ni mama kapag nasa bahay namin si Seven pero nagiging mabangis na dragon siya kapag wala na ito.

Naiintindihan ko naman dahil kami na lang dalawa ang magkatuwang sa buhay. Strikta siya pagdating sa akin dahil gusto niyang magseryoso ako sa lahat para may marating ako sa buhay.

Hyssst!

Matapos kong isukbit ang bag ko ay lumabas na ako sa kwarto at ini-locked ang pintuan saka bumaba na sa hagdan.

"Naku, salamat na lang po. Nag-almusal naman na po ako bago pumunta rito, eh." mahinahon na tanggi ni seven pagka-baba ko.

Nasa sala silang dalawa ni mama at hinihintay na lang yata ang pagbaba ko. Naging routine na kasi namin si Seven ang sabay pumasok sa school kaya lagi siyang maaga sa bahay namin para sunduin ako para sabay na kaming mag-lalakad papasok sa school na pinapasukan namin.

"Oh, 'ayan na po pala si ami, eh. Mauuna na rin po kami. Bawal po kaming mahuli sa klase at baka magka-penalty kami, lunes pa naman ngayon." magalang na sambit ni Seven kaya naman napatingin sa gawi ko si mama.

Hilaw akong ngumiti at naglakad papunta sa kanila. Hindi ko alam kung namalikmata lang ako kanina dahil biglang umaliwalas ang muka ni Seven at kumislap ang maganda niyang mga mata ng makita ako.

Siguro ay nabunutan siya ng tinik sa lalamunan dahil matatakasan niya si mama sa alok nito.

Hindi kasi pumapayag si mama na tatanggihan ni Seven ang alok niya kapag inaaya niya itong dito na lang kumain. Well, kung ako rin naman magiginhawahan dahil medyo may kakulitan din naman itong si mama. Gusto niya kasi na siya ang laging nasusunod kaya minsan ay tiklop ako sa kaniya, ganun din naman si Seven.

"Sa susunod niyo na lang po yayain mag-almusal dito si Seven. Late na rin po kami, eh." pag-sang- ayon ko sa sinabi ni seven kanina na ikinangiti naman nito at bumulong pa ng 'thanks' saka ako kinindatan na ikinangisi ko naman ng patago.

"Oh, siya sige. Hayaan mo't sa susunod na alukin kitang kumain ay masarap na ang ulam sa hapag. Luluwas na rin ako ng maynila sa makalawa, e." buntong hininga ni mama bago bumaling ang tingin sa akin.

"Heto na ang baon mo para makapasok na kayo nitong si tisoy." samvit ni mama sa akin at ini-abot sa akin ang isang daang piso na kaagad ko namang kinuha.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now