Chapter Sixteen

68 2 0
                                    

“That's all for today. Class dismissed!” anunsyo ng last subject teacher namin na siyang ikina-inat-inat ko sa aking upuan.

Sa wakas! Matapos ang mahabang discussion at surprised quiz ay uwian na. Kinakabahan man sa lakad namin ni Seven mamaya sa perya ay mas nangingibabaw naman ang excitement ko.

Bukod kasi sa na-e-excite ako na si Seven ang kasama ko ay na-e-excite na rin akong magpunta ng perya ulit. Ilang taon na rin kasi ang lumipas no'ng huling punta ko ro'n.

“Amethyst?”

Nabasag ang pag-iisip ko dahil sa tumawag sa pangalan ko. Napalingon tuloy ako ng 'di oras sa kung saan nanggaling' yon.

Naabutan naman ng mata ko ang kumakaway na si  Nadia na nasa pintuan na ng classroom namin. Halatang palabas na siya at siguradong pauwi na.

“Mauna na akong umuwi, ha? May dadaanan pa kasi ako sa palengke, e.” may malambot na ngiti sa labing paalam nito habang nakatingin sa akin.

Bigla naman sumilay ang ngiti sa labi ko at saka nagmadaling isukbit ang bag ko sa aking balikat bago siya lapitan.

Nagsisimula na rin kasing maglinis ang mga kaklase kong naka-assign na cleaners sa classroom, e.

“Sabay na tayo palabas sa gate. Nando'n na rin siguro si seven, e.” nakangiting sabi ko sa kaniya ng makalapit ako.

“Sige.” nakangiting sagot nya na sinuklian ko na lang ng isang ngiti bago kami sabay na maglakad pababa sa first floor.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin pero komportable naman ang katahimikang 'yon. Yung tipong kahit hindi kayo naguusap ng kasabay mong maglakad  ay ayos lang dahil hindi naman nakaka-ilang. Na simpleng prisensya lang nila ay okay na para mapalagay ka.

“Aalis kayo?”

Napatabingi ang ulo ko bago mapaharap kay Nadia ng tanungin niya bigla 'yon.

Hindi ako nakasagot kaagad dahil sa bigla dahil hindi ko naman inaasahan na siya pa ang babasag sa katahimikang namayani sa amin.

“Ha?” takang naibulalas ko na lang habang nakatingin sa kaniya. Sabay pa rin kami sa paglalakad pero 'di gaya ko, nakatingin siya sa dinadaanan niya bago ako sulyapan saglit at ngitian.

“Si seven, pinatawag ka kasi niya kanina kaya akala ko ay may sinabi siya sayong importante.” bulalas niya na ikina-tango ko bahagya bago napa-isip.

“May date ba kayo?” tanong pa nito na siyang ikinasmaid ko naman gamit ang sariling laway ko.

Marahas akong napa-ubo at napahinto sa paglalakad.

“Hala! Ayos ka lang ba Amethyst? Anong bang nangyari sa'yo?” nagpapanic at tarantang tanong niya sa akin bago tapikin ang likod ko.

Nagtanong pa siya. E, ang tanong niya naman ang dahilan kung bakit ako nasamid sa sariling laway ko.

Bakit naman kasi napaka random niya?

“D-d-date? H-hindi ah! M-mag kaibigan lang kami no'n!” nagkakanda utal-utal na bulalas ko habang pinapakalma ang sarili.

“Wala namang masama kung mag-de-date kayo, ah? Pwede naman 'yon, Friendly date lang naman.” natatawang paliwanag niya na ikinahinto ko sa pag-ubo bago mapatanga sa kaniya.

“Ikaw ha?” mapang-asar na ani niya bago bungguin ang beywang ko gamit ang beywang niya. “Masyado kang defensive. Nahahalata ka tuloy.” dagdag pa niya at nakakaloko akong nginisihan.

Namula naman kaagad ang muka ko sa hiya bago mapa-iwas ng tingin sa kaniya.

Naisahan niya ako ro'n, ah? Nagsisimula pa lang kaming magkasundo pero ang lakas na niya kaagad akong asarin.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon