Synopsis

2.4K 56 0
                                    

Buong buhay na yata ni Mryna, wala na siyang ibang ginawa kundi humiling sa nagkikislapang mga bituin tuwing gabi na sana'y makaahon sila sa hirap at gumanda naman ang buhay nila. Gabi-gabi siyang tumatambay sa likuran ng bahay nila at sa ilalim ng punong mangga at doon pinagmamasdan ang napakaraming bituin sa gabi.

Sa murang edad, Natuto ng kumayod si Myrna at mamasukan sa mga may kayang kapit-bahay upang makilabada. Bata palang silang magkakapatid nakakaranas na sila ng hirap na dapat hindi nila nararanasan tulad ng ibang bata ngunit sa kaniya ay iba. Walang araw siyang hindi kumakayod at magtinda ng kung ano-anong niluluto ng kaniyang butihing ina. Nagtitinda siya para makatulong sa mga magulang na pilit silang inaahon sa hirap ngunit hindi sapat ang kinikita ng kaniyang ama para maiahon sila agad sa hirap dahil nakikitanim lang ito ng palay sa ibang may sariling lupain. At kung minsan wala pang naiuuwing sahod dahil saka lang ibibigay ang sahod kung anihan na. Ang kaniyang ina naman ay isa lamang labandera at kung minsan nagluluto ng kakanin, mani at kung ano-ano.

At hiling din niya na sana'y may dumating na isang lalaking magmamahal sa kaniya ng tunay. Tunay na walang katumbas tulad ng alahas na kwintas na laging suot ng kaniyang kaibigang si Almira na siyang nakapangasawa naman ng bilyonaryo.

Katulad ng kaibigan, Gusto din niyang maranasan ang minamahal ng taong mas mahal ka pa sa karangyaan ng buhay. Iyong laging ang tingin sa iyo ay isang mamahaling kristal na hindi ka kayang basagin ng kahit sinuman.

Iyong tipong aalagaan ka at poprotektahan kahit kanino. Iyong bang may isang knight in shining armor na handa siyang ipaglaban kahit sa patalim ni kamatayan.

Ayaw na kasi niyang masaktan at iwan. Ayaw na niyang maramdamang may kulang sa kaniya kaya siya pinagpalit sa iba. Gusto niya, Kung ano siya at mayroon siya ay kaya siyang tanggapin at ipaglaban kahit na kanino. At mahalin ng totoo.

Iyon lang naman ang gusto niya.

Pero paano niya gagawin iyon? Bukod sa mas mahirap pa siya sa daga ay hindi pa siya kasing talino ng kaibigan niyang si Wilma. Maganda naman siya pero hindi kasing ganda at kasing sexy ng kaibigan niyang si Almira. Natural ang ganda niya samantalang ang mga kaibigan ay pwedeng pang Miss Pageant.

Ang tanging maipagmamalaki lang niya sa sarili ay ang kasipagan at kabutihan ng kalooban. Bukod roon ay wala na.

Mahahanap pa kaya niya ang tunay na lalaking tatanggap at magmamahal sa kaniya?

Pero paano kung may isang lalaki na tunay at handa pala siyang mahalin? Handa ba siya?

Pero paano kung bumalik ang unang lalaking minahal niya at muling magtagpo ang kanilang mga landas. Muli kayang sisibol ang dating nararamdaman para sa dating kasintahan na minsan pinagtripan lang ang nararamdaman niya o susubok siya ngunit sa panibagong tao na handa siyang tanggapin kung anuman meron lang siya?

Susugal ba uli siya?

Paano kung masaktan uli siya? Makakaya ba niya uli?

MYRNA, ANG IDEYAL GIRLFRIEND NG LAHAT.

NASSEHWP

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now