Chapter 22

231 11 2
                                    

Chapter 22

Nakatanga ang mag-anak ko sa lalaking nakaupo sa mahabang upuang kawayan. Lalo na si tatay na tulo laway pa. Si nanay naman ay pasimpleng nagcross of da sign. Ano naman kayang dinadalangin niya? Ang tatlo ko namang mga kapatid ay kanina pa nagbubulungan pero panaka-naka naman ang pagsulyap sa lalaking bigla ko nalang dinala roon.

Nakasandal ako dito sa may hamba ng pintuan namin nakakrus ang dalawang braso habang napapailing na sumusulyap din sa mga kapitbahay naming kandahaba ang leeg at kanina pa sumisilip sa loob ng bahay namin.

Kanina kasi matapos ang malateleseryeng eksena sa daan ay inaya ko ang gwapong lalaki papunta rito sa bahay. Nagpatianod naman ang lalako dahil sa kawalan din ng walang alam rito sa barangay namin. Bagong salta kaya naghahanap ng apartment daw ang sabi ko ay wala akong alam na apartment pero bording meron at kina Aling Pacita ang bordingang iyon. At habang naglalakad kami sa daan ay nagsilabasan lahat ng mga kabarangay namin minsan lang makakita ng dayo lalo na ang mga katulad kong kadalagahan. May ilan pa ngang kababaihan ang hinarang kami at tinanong kung sino ang kasama ko. Ang sabi ko lang ay bagong kaibigan at bakasyunista. Iyon kasi ang sabi ng gwapong lalaki. Oo nga pala, Nakakapagsalita ng tagalog ang lalaki dahil nagaaral raw ito sa maynila pero isang taong lang daw roon at bumalik ng bansa nila pero muli din daw bumalik ng pilipinas upang magbakasyon. Sa kasamaan palad dito daw dinala si Loki na siyang pangalan naman nito. Iyon nirentahan nitong van mula pa sa santiago at sinabing mas maganda raw bakasyunan ang pagrang-ayan. Totoo naman. Bukod sa sariwa ang hangin at malawak na palayan at matataas na bundok at maraming puno ay mababait pa ang mga tao.

Hanggang sa marating ang bahay ay nakasunod ang mga kapitbahay namin. Nakikiusyo sa bagong salta. Hindi naman iyon pinapansin ni Loki lalo na 'yong mga babaeng panay ang papansin sa kaniya. Sina Rosalyn, Zaza at Shaila.

Napatingin ako uli sa lalaki. Nakatagilid ito mula sa akin kaya kitang-kita ko ang mahahaba nitong pilikmata at matangos nitong ilong.

Abala ang mga mata nito sa paglilibot sa buong kabahayan namin. Nakakunot pa anh makinis nitong marahil ay nagtataka kung bakit may ganong kaming tirahang gutay-gutay at butas-butas gayong maayos naman ang ibang bahay na kapitbahay namin.

"A-anak saan mo nakuha ang prinsipeng ito?" narinig kong tanong ni Nanay sa akin matapos pasadahan ng tingin ang lalaki.

"Sa kalsada po Nay," magalang na sagot ko.

"Kilala mo ba siya?" muli pang tanong ni nanay sa akin.

"Hindi po pero nagpakilala po kami sa isa't-isa. Ang pangalan po niya'y Loki." Wika ko.

Tumango-tango si Nanay bilang pagtugon. Natuon uli ang atensyon nito sa gwapong lalaki.

"I-iho?"

Mula sa pagmamasid sa kabahayan namin ng lalaki ay lumipat ang tingin nito kay Nanay.

Halos mapasinghap naman ang nanay ng makita uli ang kabuuang mukha ng gwapong mukha ng lalaki.

"Jusko! Napakgwapo naman talaga ng nilalang na ito!" bulalas nito.

Lihim akong natawa sa isip. Ganyan din ang reaksyon ko ng makita ang lalaki. At kung nandito lang siguro ang dalawa kong kaibigan ay mapapanganga ding ang dalawang iyon lali na si Almira na mahilig sa gwapong lalaki.

"Thank you," anang Loki.

Mabilis na napalingon si Nanay sa akin.

"Nagsasalita pala siya anak,"

Natawa ako maging sina Tatay at tatlong kapatid ko at natawa.

"Ang nanay naman syempre po tao si Kuya mestiso kaya nakakapagsalita din po siya. Alangan naman po alien siya?" basag ni Marlon kay Nanay.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora