Chapter 42

245 12 1
                                    

Chapter 42

"Sir Geovan anong ginagawa mo dito?"

"Niyaya ako ni Loklok na magpunta dito. Ngayon daw kasi ang ika-limang taong padasal ng kapatid mong si Mikmik." Malumanay na sabi ni amo kong binata at saka ito sinulyapan ang kwadradong litratong nakapatong sa may maliit na mesa kung saan may nakatirik na isang maliit na kandila sa tapat ng litrato ng kapatid ko.

Iniiwas ko ang paningin roon. Ayun na naman kasi ang pakiramdam na pangungulila sa aking kapatid.

Lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa labas ng bakuran namin kay Loklok kausap ito ni Tatay.

"O-oo ho Sir, Ngayon nga po."

"Nagdala ako ng pang handa." Narinig ko pang turan ni Sir Geovan at nabaling ang tingin ko uli sa kaniya.

"Ho?"

At bago pa ito makasagot ay pumasok na si Loklok sa loob ng bahay namin bitbit ang ilang malalaking supot.

"Uy Myrna, Heto na yung lulutuin para mamayang hapon." Maligayang sabi ng lalaki.

"H-ha? W-wala naman akong pinamili sa iyo ah," nagtatakang sambit ko.

"Oo nga wala. Pero etong si Geovan ang nagdala."

Mabilis na bumaling ako sa amo kong lalaki habang salubong ang mga kilay. Nagkakamot na ito ng batok.

"Huwag kanang tumanggi Myrna. Pang pansit at pang sopas lang naman ang dinala ko. Naisip ko kasing baka kulangin kayo sa handa." Paliwanag agad ni Sir Geovan gayon hindi ko pa siya sinisita.

Napansin ko uli ang pag sulyap niya sa litratong nasa ibabaw ng mesa namin. Sa litrato ni Mikmik. Masayang nakangiti ang bata roon. Ngiting walang dalang bigat sa dibdib ngunit tinatago lamang sa pamamagitan ng ngiti.

"Hanggang ngayon—hindi ako makapaniwalang kay-aga niyang pumanaw." Usal ni Sir Geovan.

May kung anong nagbara sa aking lalamunan ng marinig ang katagang binanggit niya sa huli.

Iniwas ko ang paningin sa litrato ng kapatid ko.

Hanggang ngayon masakit parin ang nangyari sa pamilya ko. Ang biglaang pagkawala ng kapatid kong si Mikmik. Hindi namin inaasahang darating kami sa puntong iiwan kami ng isa sa mahal namin sa buhay.

Hindi pa kami handa ng mga panahong iyon.

Oras-oras. Minu-minuto. Araw-araw. Walang palyang hindi kami naghihinagpis. Umiiyak ang buong pamilya ko dahil sa pagkawala ng kapatid ko.

Palaging wala si Tatay. Buong maghapon. Sa gabi lang siya uuwi. Ngunit hindi maipagkakailang laging namumula ang kaniyang mga mata. Marahil sa malayo siya umiiyak para hindi naming makita.

Si Nanay ganon din. Nagtitinda upang ibaling ang paghihinagpis sa anak niyang pumanaw ngunit sa kaniyang mga mata hinahanap ang kapatid ko. Pangungulila ng isang ina sa anak.

Ganon din ang mga kapatid ko.

Nasa sulok sila ng tulugan namin at doon sabay na iiyak at babanggitin ang pangalan ni Mikmik.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu