Chapter 17

250 13 4
                                    

Chapter 17

Nakatulala pa din ako. Nakaawang ang bibig. Nakatingin pa din ako sa lalaking nasa harapan ko na may hawak na ilang tangkay ng bulaklak ng gumamela na kulay dilaw.

Sina Tatay at Nanay at mga kapatid ko nasa loob na ng bahay. Mukhang sinadya nilang iwan ako kay Noli para mabigyan kami ng oras.

Sandali kong tinikom ang bibig at muling binuka at nagsalita.

"Noli nakashabu ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang kunot ang noo.

"Hindi." Kaswal na sagot lang niya ngunit may nakaukit na magandang ngiti sa labi niya kaya naman kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin bagamat may sungki sa gilid. Pero magandang tignan sa kaniya. Parang iyon nga ang aseyt niya.

"E bakit mo sinabi kina Nanay at Tatay na liligawan mo ako? Nagtitrip ka ba?"

Natawa siya ng mahina.

"Bakit? Masama bang manligaw sa 'yo Myrna?" Anito habang nakangisi ngunit sa kaniyang mga mata ay may kislap akong naaninag.

"Walang masama. Pero may mali!" Wika ko sa mataas na boses ngunit hindi ko naman sinasadya.

"Anong mali sa panliligaw sa 'yo? Paliwanag mo nga para naman alam ko." Turan pa ni Noli.

"Okay. Payn! I exclaim!"

"Bago ka magsimula Myrna. Itatama ko muna ang mali mo."

Kumunot uli ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong mali ko?"

Kita ko ang pagpipigil niya ng tawa.

"Explain hindi Exclaim Myrna, Magkaiba iyon. Naiintindihan mo?" Wika niya.

"Explain naman ang sinabi ko ah,"

"Idenial ka talaga Myrna. Pffft."

"Hindi ako idenyal!"

"Okay. Sabi mo eh. Sige na umpisahan mo na ang dapat mong sabihin." Nakatawang sambit pa niya kaya naiinis na naman ako sa kaniya.

Tumikhim naman ako para umpisahan na ang dapat kong sabihin sa kaniya.

"Hindi ba't si Vina ang gusto mo kaya't paanong ako ang liligawan mo? Nakashabu ka yata talaga eh." Pahayag ko.

"Bakit? Hindi ba pwedeng magbago ang nararamdaman ko sa isang tao Myrna? Hindi kasi porke si Vina ang gusto ko ay hindi na ako pwedeng manligaw ng iba." Turan ni Noli.

"Ibig sabihin hindi ka loyal sa kaniya!"

"Bakit kapag ba may gusto ka sa isang tao dapat bang maging loyal kaagad sa kaniya? At isa pa, hindi ko pa naman siya nililigawan eh. Ikaw muna ang liligawan ko bago siya. Malay mo kapag nabasted kita este binasted mo ako edi siya na ang sunod kong liligawan." Litanya ni Noli at saka ngumisi ng malaki.

Napalatak ako.

"Pambihira ka Noli! Ginawa mo pa akong optionally!"

"Myrna, Option. Hindi optionally." Pagtatama pa niya sa sinabi ko.

"Pareho din 'yon!" Sikmat ko.

"O sige. Kunwari pareho pero kapag naging tayo na tuturuan na kita ng tamang grammar." Aniya at ngumisi uli.

Pumamewang ako sa harapan ni Noli.

"Bakit? Pumayag na ba akong magpaligaw sa 'yo para sabihin mong magiging tayo? Hay naku Noli."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang humakbang ng mas palapit sa akin. Kinilabutan pa ako ng kunin niya ang isa kong kamay.

"A-anong g-ginagawa mo Noli?" Utal na tanong ko sa lalaki.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now