Chapter 52

96 5 0
                                    

FINAL CHAPTER

Sa dami ng nangyari sa simbahan ding pala ang uwi.

"Hay naku anak! Ano pa bang ginagawa mo? Bakit nakatanga ka pa r'yan? Aba'y anong oras na at baka nagaantay na ang pakakasalan mo sa Simbahan!"

"Oo nga naman ate! Excited pa naman kaming lahat!"

"Ate, Dalian mo na diyan!"

"Hala! Ang ate tulala pa rin!"

"Anak? Nakikinig ka ba?"

Mula sa kwadradong salamin lumipat ang tingin ko kina nanay at sa dalawang batang kasama nito. Sa mga kapatid ko. Napatda pa ako nang makita ang kanilang ayos.

Nakasuot ng mahaba at puting bistida si nanay na ang tela ay makintab at madulas. Sa tapat at gilid ng dibdib nito ay may nakaipit na bulaklak. Ang buhok ay nakapusod na may bulaklak ding nakaipit sa umbok. Napakaganda pala ni nanay kapag naayusan. Kaya siguro nainlove rito si Itay. Nilipat ko ang tingin sa dalawang bata.

Puting bistida din ang suot ni Marina ngunit hanggang tuhod lamang. Sa ulunan naman nito ay may isang pabilog na bulaklak na parang pang diwata ang estilo. Si Marlon naman ay isang puting long sleeve at pantalon itim. Na pinaresan ng itim na sapatos na regalo pa ni Sir Geovan noong kaarawan nito.

"Myrna anak?"

"Ano po 'Nay?"

Napatampal ito sa noo.

"Ano bang iniisip mo? Bakit parang wala ka sa sarili mo ah?"

Napakagat-labi ko.

"K-kinakabahan lang po ako Nay," marahang sagot ko.

"Kinakabahan ka? Dahil ba ikakasal kana?" Komentong sabi naman ni Inay.

Tumango ako at muling sinulyapan ang sarili sa kwadradong salamin.

Isang puting gown na pa-tube ang suot ko na pinasadya pang patahiin ng magasawang sina Almira at Ryu. Regalo daw nila para maging maganda at presentable ang pinakamahalagang araw ko. Ang buhok ko ay nakatirintas ng pabilog at sa paligid n'on ay may nakapalibot na puting bulaklak na kinuha pa mula sa tanim nila Wilma. At sa aking leeg ay naroon nakasuot ang kwintas na may pendant na puso. Na iregalo pa ng tropa nina Denver at Mark na siyang pinagaambagan pa raw nila mabili lang ang kwintas.

"Ate ang ganda mo ngayon."

"Oo nga Ate, Para kang prinsesa sa itsura mo."

Napatingin ako sa dalawang kapatid kong nasa tabi ko na. Pinagitnaan nila ako.

"Totoo?"

"Oo nga Ate. Ang ganda mo."

"Totoo ang sinabi ng mga kapatid mo anak, Napakaganda mo ngayon." Nakangiting wika ni nanay na siyang lumapit na sa pwesto naming magkakapatid. Tumingin pa siya sa salamin at tinignan kaming tatlo. "At kung nandito nga lang si Mikmik ay baka pati siya nagandahan sa 'yo tulad ng mga dalawa mong kapatid." Dugtong pa ni Inay.

"Oo nga Ate, Matutuwa yon kapag nakita ang ayos mo." Sangayon naman ni Marina.

Napangiti ako ng wala sa oras. Oo nga, Kung nandito si Mikmik paniguradong pupurihin din niya ako tulad nila.

Tinignan ko silang tatlo sa salamin.

"Salamat sa papuri ninyo Inay at mga kapatid ko." Naluluhang sambit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now