Chapter 14

228 13 2
                                    

Chapter 14

Hindi ako makatulog. Namamaga at mahapdi ang aking mga mata dahil sa pagiyak ko kanina. Pabaling-baling din ako sa matigas at impis ng kutson namin. Paminsan-minsan malungkot akong napapatitig sa butas-butas naming yero na tinapalan lamang ng tinunaw na stayropon para maging Vulcasil at magsilbing panakip sa mga butas at sira-sira naming yero. Iniisip pa din ang eksenang nangyari kanina sa bombahan.

FLASHBACK

"Crush mo ba ako Myrna?" Paguulit na tanong ni Noli sa akin. Ang mukha niya'y seryoso. Ang mga mata niya hindi inaalis sa akin. Naghihintay ng isasagot ko. Hindi siya tumitigil sa kakatanong tungkol roon hangga't hindi ko siya sinasagot.

Tumikhim ako at nagsalita. Pero siniguro ko munang maganda ang sasabihin ko sa kaniya. Ayokong magkamali sa anumang ilalabas ng bibig ko. Baka kasi konting pagkakamali lang ng sagot ko ay may masasabi siya.

"Bakit mo naman naisip itanong 'yan? Iniisip mo bang crush kita?" Pabalik na tanong ko sa kaniya.

Tumango siya.

"Oo. Gusto kong malaman kung may crush ka ba sa akin." Wika ni Noli.

Tumawa ako upang maibsan ang kakaibang nararamdaman ko sa aking dibdib. Kaba at nerbiyos. At hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman.

Napailing ako at kinalma ang sarili.

"Kapal moks ah, Noli." Gilalas ko at saka siya inismiran ngunit sa aking kaloob-looban gusto ko na siyang talunin at pagsasapak-sapakin sa mukha dahil sa kakaibang pinararamdam niya sa akin ng mga oras na iyon. "Bakit naman ako magkakacrush sa 'yo ah? Bakit ginto ka?" Sabi ko pa at nilangkapan ng panguuyam ang tono ko.

Natigilan siya ngunit kalaunan kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Bakit sa ginto kalang ba pwedeng magka-crush ah, Myrna? Hindi ba pwedeng sa tanso din?" Balik na tanong niya. "Ang taas naman ng standard mo." Wika pa ni Noli.

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.

"Anong standard? Wala naman ako n'on eh." Takang sabi ko.

Tumawa siya ng malakas.

"Boplaks talaga! HAHAHAHA!" Natatawang sambit pa niya.

Nalukot ang mukha ko at winisikan siya ng tubig sa mukha. Nanlalait na naman siya!

"Negro!"

Tumigil siya sa pagtawa at tinignan ako.

"Aba! Makalait ka bakit ganda ka?" May pangaasar na sabi naman niya pabalik sa akin. Tinignan pa niya ang kabuuan ko.

Inis na tumayo ako at pumamewang sa harapan ni Noli. Napatingala naman siya sa akin.

"O ano? Ganda ka? Makalait ka eh."

"Hindi!" Singhal ko sa kaniya. Naiinis ako sa ugali ng lalaking ito. Kaasar!

"O hindi pala eh. Ba't nanlalait kang negro ako?"

"E sinabi mong boplaks ako eh!" Sikmat ko. Gusto ko siyang buhusan ng isang baryang tubig!

"Bakit? Hindi ba totoo? Standard hindi mo nga alam eh. Anong alam mo?" Panguuyam na sabi pa niya bagamat natatawa.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now