CHAPTER 1

1.3K 27 1
                                    

Chapter 1

"Oh, Bakit nakasimangot ka na naman? May nangyari ba?"

Nakasimangot akong lumingon sa kaibigan kong si Wilma. Isa siya sa mga kaibigan ko. Tatlo kasi kaming magkakaibigan. Si Almira, Wilma at Ako. Bata palang kami ay kami na ang magkakasamang tatlo. Iisang paaralan din kami pumapasok at halos buong school year ay magkakaklase kami. Nakatadhana na yata talaga kami bilang matalik na magkakaibigan.

"O ano na? Hindi kana nakasagot diyan." narinig kong muling sabi ni Wilma. Kasulukuyang nagbabalat siya ng indian mango na sinungkit pa niya sa punong mangga nila Almira sa may likuran ng bahay nila. Dito kasi ang tambayan namin tuwing wala kaming pasok at maghapong kumakain ng indian mango. At dahil half-day lang kami ngayon biyernes naroon na naman kami. Masarap kasing kumain ng mangga lalo na at may sawsawang bagoong may sili o kaya'y alamang na may sili.

"Paanong hindi sisimangot ang babaeng iyan, Nakakuha lang naman siya ng itlog sa quiz natin kanina sa English." Singit ng matinis na boses na pagmamay-ari naman ng isa ko pang kaibigan na si Almira. Kalalabas lang niya ng bahay nila sa may likod ng kusina siya dumaan may pintuan kasi roon palabas yung bang tinatawag nilang ekis door? Basta 'yun na yon!

Halos lumuwa ang mga mata ko sa suot niyang pekpek short at isang puting tube na halos dibdib lang ang natatakpan!

"Ano ba 'yan suot mo Almira?! Papasok kabang beer house at ganyan ang suot mo?" halos naeskandalong sabi ko sa kaniya habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Naupo siya sa may bakanteng upuan at agad na dumaklot ng isang pirasong nahiwang mangga ni Wilma at saka niya iyon isinawsaw sa platitong may bagoong na may ilang piraso ng siling dinikdik at maarteng kinagatan.

"Hay naku Myrna, Hindi ka pa nasanay sa kaibigan nating iyan. Malamang maganda at sexy daw siya kaya bakit hindi niya ipagmamalaki?" simyento naman ni Wilma at saka inirapan si Almira.

"Tumigil-tigil nga kayong dalawa diyan, Ang suot ko na naman ang pinagdidiskitahan niyo. E, Kayo din naman nagsusuot ng mga maiiksi ah?" Mayamayang palatak ni Almira at muling kinagatan ang mangga.

Nakasimangot na sinulyapan ko ang suot ko.

"Tama lang naman ang sukat ng sinusuot ko ah, kalahati lang ng hita ko ang nakikita at itong pang-itaas ko, Blouse at kung magsusuot man ako ng sando may doble ako! E ikaw? Halos kita na ang hindi dapat makita. Kulang na lang maghubad ka." Patutsadang sabi ko sa kaniya.

"Kaya walang nagkakagusto sa 'yo eh, kasi baduy ka minsan." Alipusta pa ni Almira sa akin.

Napanguso ako.

"Kahit ikaw Wilma, ang ganda-ganda mo pero para kang lalaki manamit." Baling nito sa isa naming kaibigan.

Tumikwas ang isang kilay ni Wilma.

"O? Anong problema sa suot ko?" Parang nanghahamon na tanong ni Wilma kay Almira.

"Ang boyish mo!"

"Hindi ako boyish! Sa ganito lang ako komportable!" Sikmat ni Wilma rito.

Pinasadahan ko ng tingin si Wilma.

Hindi naman tomboy si Wilma pero mahilig siyang manamit ng mga maluluwang na damit tulad ng tinatawag daw na Oversize T-shirt tapos tineternuhan niya ng maiksing maong na short. At kung minsan, nakasuot siya ng pang basketball. Yung jersey na short tapos maluwag na t-shirt pero bagay na bagay sa kaniya kasi payat at matangkad siya sa height niyang 5'5 hindi tulad ko nasa 5'2 lang ang height. Si Almira 5'5 din. Pareho sila ni Wilma.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now