Chapter 41

228 12 2
                                    

Chapter 41

Akala ko kapag masaya ako. Tuloy-tuloy.

Akala ko...kapag sinubukan ko...kaya ko.

Na kapag pumasok akong magisa sa isang butas ay kaya ko ding lumabas.

Pero...hindi pala

Oo. Umiikot ang mundo.

Nagbabago ang panahon.

May dumarating. May umaalis.

Katulad ng pag-ibig...

Kapag baguhan ka, Sa una masaya. Sa gitna naghihintay ka ng susunod na mangyayari at ang panghuli...lungkot at sakit ang idudulot lalo na kapag hindi mo kayang labanan.

Noong bata ako nong nasa elementarya palang palagi na akong inaasar ng mga kaklase na bobo raw ako.

At heto na naman ako paulit-ulit na nagkukwento ng karahasan ko bilang mahirap.

Kung hindi uno ang nakukuha kong score ay zero naman. Pati sa hayskul ay ganon parin ang nararanasan ko. Kung hindi ako mali sa grammar ay baluktot naman ang pagiingles ko. At kung minsan, hindi ko pa alam ang ibig sabihin non.

Sa tuwing may turista sa baryo namin at may pagkakataon nagtatanong sila sa akin ay pinagtatawanan palagi ang sagot ko kasi maliang sagot ko sa kanila. Minsan, Tinawag pa akong idiot ng isang turistang Amerikano na minsang nagbakasyon sa baryo namin dahil sa maling sagot ko na naman.

Minsan, napapaisip na naman ako. Lalo na kapag magisa ako at nakatambay sa ilalim namin ng punong manga.

Ganito ba talaga ang mundo?

May mga mapanghusgang tao...

Maraming mapanakit...

May mga taong ayaw sa 'yo...

Maraming katanungan na kay hirap sagutin.

Ngunit sa iba'y kaydali lamang.

"O nak? Ba't gising ka parin? Hindi ka ba papasok bukas?"

Napalingon ako kay Tatay. Kalalabas lang niya ng bahay. May bitbit pa itong isang tasang umuusok. Hindi ko alam kung kape iyon o nilagang dahon ng guyabano.

Ibinalik ko ang paningin sa madilim na parte palayan. Ang buwan ay maliwanag. Walang ulap ngunit napakadaming bituing nakakalat.

Sana kasing liwanag din ng buhay ko ang buwan kapag naabot ko na ang pangarap ko...Sana walang ulap  na nakakalat sa paligid ko tulad ng mga taong nakakalat sa buhay namin at paboritong kutyain...sana katulad kami ng bituin...kumikinang sa harap ng maraming tao...hinahanggaan...

Mapait akong napangiti sa naisip...

Imposibleng mangyari...

Naupo si Tatay sa tabi ko kaya naman langhap na langhap ko ang mainit at mabangong aroma ng dahon ng guyabano.

Ang sabi ni Tatay. Marami daw nagagamot ang dahon ng guyabano. Tulad ng kanser, diabetic, kidney at marami pang iba.

"Iniisip mo na naman ba si Noli?" Narinig kong saad ni Tatay mula sa tabi ko.

Ilang segundo akong hindi sumagot. Nakatanaw lang sa madilim na parte ng palayan.

"Hindi po Itay,"

"Kung ganon bakit parang ang lalim 'ata ng iniisip mo." Sansala pa ni Tatay.

"Iniisip ko lang po si MikMik Tay,"

Naramdaman ko ang paglingon ni Tatay sa akin.

"Palagi po kasi siyang nagkakasakit tapos wala naman po tayong sapat na pera para po sa pag papagamot niya sa tuwing aatakehin siya." Pahayag ko.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ