Chapter 35

227 11 2
                                    

Chapter 35

"Tama na Myrna. Huwag kanang umiyak. Maaayos din ang lahat." pangaalo ni Loki sa akin habang hinahagod ang likuran ko.

"Hindi Loki. Wala ng maayos pa dahil tinapos ko na ang lahat sa amin ni Noli." Humahagulgol na sabi ko sa kaniya habang nakatakip ang dalawang palad sa mukha.

Nasa karayan kami ng tanghaling tapat na iyon. Sa ilalim ng punong kawayan. Tirik na tirik ang araw ng mga oras na iyon dahil magaalas-onse pa lamang.

Doon ako nagpunta para maglabas ng bigat ng loob imbes na magmukmok sa loob ng bahay namin. Ayokong makita ako ni Nanay sa ganong sitwasyon. Hindi ko kayang makita siyang nagaalala dahil nilait ang panganay niyang anak. Palabas na ako ng bahay kanina ng magpunta si Loki sa amin at naghatid ng isang kilong manok pang tinola raw. Gusto raw kasi nitong kumain ng sinabawan. Kaagad naman iyon tinanggap ni Nanay kapalit ng pagalok sa lalaki na sumabay sa amin ng tanghalian at pang hapunan. Pumayag naman si Loki.

Hindi ako nakapasok sa trabaho. Nagdahilan nalang ako kay Almira kaninang sinundo niya ako. Sinabi ko sa kaniyang masama ang pakiramdam ko. Alam kong nagtataka din siya kung bakit namamaga ang aking mga mata pero hindi siya nagtanong basta bago siya umalis ay nag bilin pa siyang dadaan mamayang hapon sa bahay pagkauwi galing trabaho.

Masakit ang dibdib ko dahil sa nangyari kahapon sa pagitan namin nila Noli at ng Nanay niyang si Aling Norma. Ayokong magalit sa matanda kaya naman

Sa lahat ng binitawang salita ni Aling Norma lahat ng iyon ay tila patalim na bumaon sa aking dibdib. Ayokong magalit sa matanda kaya naman dinaan ko nalang sa pagiyak magdamag. Nagbabakasakaling mawala ang sama ng loob pero pag gising ng umaga ayun na naman ng sakit sa aking dibdib.

Ang sakit isiping may mga tao paring kayang manghamak ng pamumuhay ng isang tao. Sa halip na sila magmalasakit sa kapwa ay nagagawa pa nilang apakan ang buhay ng isang tao.

Patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Ang paninikip ng aking dibdib ay hindi nababawasan.

"Tingin mo ay papayag si Noli na makipaghiwalay sa 'yo Myrna? Niligawan ka niya kaya bakit niya sasayangin ang lahat ng pinaghirapan niya?" narinig kong turan ni Loki sa tabi ko.

Inalis ko ang mga palad ko na nakatakip sa mukha at luhaang tinignan ang lalaki.

"Pero hindi ako...gusto ng pamilya niya...ng kamag-anak niya Loki." Masamang loob na sabi ko rito. Pasinok-sinok pa ako.

Sandali siyang hindi nakapagsalita dahil sa nalaman. Ang kaniyang mga mata'y may lungkot.

Walang nakakaalam ng pagdisgusto sa akin ng Pamilya ni Noli bukod tanging si Tatay lang ang nakakaalam. Minsan ay nahuli niya akong umiiyak ng gabi sa ilalim ng mangga. Ayoko man umamin pero nailabas ko lahat ng bigat sa dibdib ko ng mga oras na iyon kay Tatay.

"Myrna...tahan na huwag kanang umiyak."

Suminghot ako. Barado na ang ilong ko kakaiyak mula kaninang nagpunta kami roon sa Karayan.

"Ang sakit-sakit Loki." Umiiyak na daing ko sa kaniya.

"Alam ko..."

"Ang gusto ko lang naman ay maging masaya pero bakit ganito? Nasasaktan ako dahil ayaw sa akin ng pamilya ng lalaking mahal ko." Mabigat ang loob na sambit ko.

"That's part of love Myrna."

"Huwag mo akong inglesing Loki. Nasasaktan ako ngayon kaya magtagalog ka para mas dama ko."

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now