Chapter 2

660 23 1
                                    

Chapter 2

Kanina pa ako nakasisid sa tubig pero wala man lang akong mahuling bunog! Kainis pati ba mga isda ayaw sa akin?

Lumusong uli ako pero sa bandang pinakailalim na baka kasi doon may mahuli ako kahit pinakamaliit na tilapia.

Lusong

Sisid

Langoy

Muli pa akong sumisid at mula sa isang masangang parte ng katubigan ay may nakapa akong malambot.

Malambot?

Bunog!

Hinigpitan ko ang hawak roon baka kasi biglang makawala ang dulas pa naman.

Mabilis akong lumitaw mula sa ilalim ng tubig at sumigaw ng malakas.

"May nahuli na ako bunog, Yahoo!" tuwang-tuwang sabi ko pero dagli lang iyon dahil napawi ang masayang ngiti sa labi ko ng makita ang iba't-ibang reaksyon ng mga tao roon.

Nakanganga silang lahat. Lalong-lalo na sina Wilma at Almira. Nanlalaki pa ang parehong mata ng mga ito.

"Tangina!"

"Huli ka balbon!"

"Pota!"

"Luh? Bakit namura kayo!" sita ko kina Mark at Denver. Nandon din kasi sila. Mas nauna nga lang sila sa amin. Mga camping boys din kasi sila.

Nagkatinginan silang lahat kaya kumunot ang noo ko.

"Hoy, problema niyo?" Takang tanong ko pa sa kanila uli. Para kasing mga ewan. "Si Noli pala, Asan?"

Sabay-sabay uli silang nagkatinginan.

Luh? Anyare ba? Bakit umaakto silang gan'on?

"Myrna, Ibang bunog 'ata ang nahuli mo." Wika ni Loki para pa siyang natatawa ng sabihin 'yon.

"Tangina! Bunog HAHAHAHA." Segunda naman ni Mark saka binunutan ng malakas na tawa. Tawang gago!

Kumunot naman lalo ang noo ko.

"Huh? E bunog naman talaga eh." Giit ko pa saka akmang ipapakita ko sa kanila ang nahuli kong bunog ng may biglang sumigaw malapit sa akin.

"Aaaahhh!"

Sabay-sabay na napa-wuuh ang mga lalaki na para bang nasaktan habang ang mga kaibigan ko naman ay napasinghap ng malakas.

"AY BUNOG NA MALAKI!" Bulalas ko at nilingon ang taong bigla na lamang sumigaw ng malakas at nasa tabi ko lang pala. "NOLI!"

"Tangina Myrna! Itlog ko ang nahuli mo!" Gilalas nito sa mangiyak-ngiyak na tono.

Awtomatikong bumaba ang tingin ko sa hawak ko kasabay non ay ang panlalaki ng aking mga mata.

"Ay itlog mo nga!" Muling bulalas ko at mabilis na binitawan ang itlog niyang nakabalandra sa harapan ko at mabilis na tumalikod sa kaniya. "Noli! Ano ba kasing ginagawa mo diyan!" Inis na sabi ko sa kaniya ngunit ang aking mukha ay pulang-pula dahil sa nangyari.

"Tumatae ako dito!"

Nalaglag ang panga ko at wala sa sariling napapihit paharap sa kaniya.

"Ay itlog na mabuhok!"

"Tangina Myrna! Tumalikod ka!"

Wala pang isang segundo nakatalikod na ako. Mas dumoble ang pamumula ng mukha.

"Tangina Noli, wala kapang jowa may nakahawak na sa itlog mo!" Narinig kong kantiyaw ni Mark mula sa ilalim ng punong kawayan.

"Myrna, ano? Bunog ba kamo?" Pangaasar naman ni Mark.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now