Chapter 21

218 10 1
                                    

Chapter 21

Matuling ang mga araw. Mabilis ang oras at parang kailan lang ng sagutin ko si Noli at ngayon maglilimang buwan na kami.

Hindi na ding natuloy ang pageenroll ko sa college. Dahil walang pangbayad sa matrikula. Walang pambili ng unipormeng gagamitin at kung baon ko man ay wala iyon problema dahil kahit tubig at kakanin ay pwede kong baunin pangmeryenda. Hindi naman kasi ako tulad ng iba na mapera at malaki ang baon at kayang bumili ng mamahaling inumin at pagkain. Ang mga kaibigan ko namang sina Almira at Wilma ay gumaya sa akin. Hindi muna sila nagenroll pero si Almira tulad ko ay wala ding siyang pangmatrikula hindi tulad ni Wilma na kahit meron pang bayad ay pwede siyang makapagkolehiyo pero mas piniling damayan kami.

Gustuhin ko man o hindi pero wala talaga akong magagawa kundi huminto at magtrabaho para makatulong kina nanay at tatay. Iyong mga kapatid ko nalang ang nagpatuloy sa pagaaral. Siguro pagdating ng araw ay pupuwede pa akong makapasok ng kolehiyo.

Kasulukuyang nandito kaming magkakaibigan sa ilalim ng punong Indian mangga nila Almira at kumakain ng natuklapang mangga ni Wilma. Maasim at masarap ang mangga sa sinawsawang bagoong na may siling labuyo. Nakarami na ako ng kain at huminto lang ng maramdaman kong hindi na kaya ng tiyan ko. Nabusog na ako. Siguro naka-anim na akong manggang kinain. Si Almira kahit yata maka-sampu siya ay hindi siya mabubusog agad. Tuloy-tuloy pa ding kasi ang paglantak niya ng mangga.

"Almira baka gusto mo akong palitan dito?" Wika ni Wilma habang nakatingin kay Almira pero patuloy pa ding sa pagbabalat ng mangga.

Huminto si Almira saglit sa pagkain ng mangga at bahagyang sinulyapan si Wilma.

"Pagod ka na bang magbalat?" Tanong rito ni Almira.

Binitawan ni Wilma ang hawak na maliit na patalim na siyang ginagamit sa pagbabalat ng mangga.

"Hindi pero baka nabalatan ko na ang lahat ng ito." Tukoy nito sa mga manggang binalatan sa palanggana na ngayon ay paubos na naman. "Tignan mo ako hindi pa nakakatikim ng pinagbabalatan kong mangga pero paubos na naman." Turan pa uli ni Wilma at saka nito inirapan ang kaibigan namin.

"Ay sorry, Ang sarap kasi ng pagkakabalat mo sa mangga kaya naparami ako." Pahapyaw naman ni Almira at saka nito sinundan ng matamis na ngiti.

Napapantaskikuhang tinignan namin siya ni Wilma.

"Anong konek nong pagbabalat ni Wilma sa papaubos mo ng kinain ng mangga Almira?"

Kaagad na pinukol niya ako ng masamang tingin.

"Huwag ka ngang sumali! Kumain ka nalang diyan! Ay hindi pala! Asikasuhin mo nalang yang paparating mong Jowa! Hmp!" Sikmat niya sa akin kaya napanguso ako pero ano daw? Paparating na jowa?

At mula sa sanga-sangang bakod nila Almira pumasok roon ang lalaking nakasuot ng kulay pulang t-shirt na maluwag at Jersey short. Nagmamadali itong lumapit sa akin.

"Mahal! Nandito ka lang pala, Kanina pa kita hinahanap." Wika ni Noli ng makalapit sa pwesto namin. Bagong ligo ang lalaki dahil ang ginamit nitong Safeguard ay nanunuot sa aking ilong. Napakabango! Kulay Green ang gamit nitong safeguard na ang flavor ay guava. Kabisado ko na ang amoy niya. Kung hindi amoy bukid amoy safeguard naman siya kapag nakaligo na hihi.

"Ano ba 'yan! Ang sakit sa tainga!" Palatak ni Almira matapos lunukin ang nginunguyang mangga.

"Oo nga. Parang bigla tuloy nagkatulok ang tainga ko at lumabo ang pandinig." Segundang iyon naman ni Wilma.

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Ha? Bakit? Baka kailangan niyong maglinis ng mga tainga Wilma, Almira."

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now