Chapter 12

279 11 2
                                    

Chapter 12

"A-ano kamo Noli?" Nanlalaking matang sambit ko.

Heto na naman ako. Nagdidiwang ang aking pandinig.

Gusto ako ni Noli kaya niya ako binibigyan ng bulaklak?

Tila may kung anong anghel ang biglang nagsilitawan sa paligid ko at nagsi-awitan. Maging ang mga punong nakapalibot at nagkikislapan, nakikisabay at nagsisiyawan sa awit ng mga anghel.

Kumunot ang noo niya. Nagtataka.

Bakit naman ganon ang reaksyon ng mukha niya?

"Ang sabi ko pakibigay 'to kay kay Vina. Hindi ba paborito niya ang bulaklak na gumamela?"

Ekkk!

Naglaho ang mga anghel. Ang mga puno ay biglang nawala ang pagkislap at huminto sa pagsasayaw at bumalik sa dating ayos.

Imahinasyon ko na naman!

Nakakainis naman!

"Ano bang iniisip mo Myrna? Lutang ka ba?" Narinig kong tanong pa ni Noli.

"Ha? Ano Noli?"

Napailing siya.

"Pffft. Iniisip 'ata ni Myrna na sa kaniya mo ibibigay ang gumamela Noli, HAHAHA." Singit ni Mark mula sa ilalim ng punong mangga.

Tumawa din ng malakas si Denver.

"Myrna, Maglaba ka muna bago ka managinip ng gising. Ikaw talaga Oh!" Kantiyaw naman sa akin ni Denver at saka sinundan ng nakakalokong tawa.

Namula ng todo ang mukha ko.

Napahiya na naman ako!

"Hoy! Tumahimik nga kayo diyan! Inaasar niyo na naman si Myrna eh!" Saway ni Noli sa mga kaibigan.

"Asus! Pinagtatanggol mo na pala si Myrna, Noli ah," Tudyo ni Mark rito.

"Umamin ka na kasi." Segunda naman ni Denver.

"Mga gago! Manahimik kayo! Kayo ata ang nanaginip eh!" Pabalik na sigaw ni Noli sa dalawang lalaki.

Pulang-pula na ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Bakit ba ako ang tinutudyo nila kay Noli? E si Vina naman ang gusto ng kaibigan nila. At saka bakit ako pa ang magbibigay ng bulaklak sa babae? Ano ako? LBC? Hmp!

"Noli, bakit hindi nalang ikaw ang magbigay niyang bulaklak kay Vina?" Sabi ko sa lalaki. Ang dibdib ko ay parang nabagsakan ng malalaking bato galing sa pinakamataas na bundok.

Bigla siyang napakamot sa may batok.

"Hindi pwede Myrna, Magagalit 'yon sa akin." Sagot niya.

Napamata ako sa sinabi niya.

Magagalit si Vina? Bakit naman?

"E kung ganon, bakit inuutusan mo akong ibigay iyang gumamela sa kaniya kung alam mong magagalit? Ako ang ipapaeng mo?" Lukot ang mukhang sambit ko kay Noli. Bigla tuloy akong nainis sa kaniya at gustong ipakain ang hawak niyang gumamela.

Muli siyang napakamot sa batok niya. Siguro may boni siya roon kaya kamot siya ng kamot.

"M-may gusto lang kasi akong malaman Myrna." Aniya.

Nagtatakang tinignan ko si Noli.

"Gustong malaman? Tungkol naman saan?

"Basta. Sa akin na lang 'yon. Hindi mo pwedeng malaman." Wika niya.

Napatango-tango ako.

Mayamaya ay sumingit na naman ang kaibigan ni Noli sa amin.

"Myrna, Gusto niyang malamang kung magseselos ka daw ba." Wika ni Denver at saka malakas na kinantiyawan ang kaibigan ng "Uyyy"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now