Chapter 31

190 9 0
                                    

Chapter 31

Malalim na ang gabi pero gising na gising pa ring ang diwa ko. Hindi ako makatulog. Pabaling-baling ako sa higaan. Paminsan-minsan naman ay napapatitig ako sa butas-butas naming yero. Napapaisip sa tanong ni Mark kanina. Hindi ko na nasagot ang tanong na iyon ng lalaki dahil napukaw ng pagiisip ko ang katananungan niya kanina habang pauwi kami.

Paano nga ba kung nagloko si Noli? Anong gagawin ko? Anong mararamdaman ko?

Masasaktan ba ako?

Patatawarin ko ba siya?

Siguro oo kapag narinig ko na ang paliwanag niya kung bakit niya iyon nagawa pero...

Malaki ang tiwala ko kay Noli. Hindi niya maiisip ang magloko.

Hindi niya ako lolokohin.

Hindi niya ako sasaktan.

May tiwala ako sa lalaking mahal ko.

"Ate bakit hindi ka pa natutulog? Iniisip mo ba si Kuya Noli?"

Mabilis akong napalingon sa nagmamay-ari ng maliit na boses na iyon. Si Marina.

Tumagilid ako paharap sa kaniya.

"Ikaw ba't gising ka? Nanaginip ka na naman ba?" Balik-tanong ko sa kaniya.

Parati kasi siyang nanaginip ng masama. Minsan, umiiyak pa siya habang natutulog.

Umiling ang kapatid ko. Inipit pa nito sa ilalim ng unan ang isang braso.

"Hindi naman po Ate. Nagising lang ako kasi ang likot mo. Kanina ka pa galaw ng galaw." Nakangusong anas nito.

Napangiwi ako.

"Sorry." Hinging tawad ko. "Hindi lang makatulog ang Ate, Marina. May iniisip kasi ako." Paliwanag ko pa.

"Si Kuya Noli ba Ate? Kanina palang tanghali nandito siya."

Napamata ako sa kapatid ko. Si Noli nandito kaninang umaga?

"Bakit raw siya nandito Marina?" Tanong ko sa bata.

Nagkibit-balikat ito.

"Ewan ko ate, siguro namimis kana niya."

Bahagyang naginit ang dalawang pisngi ko sa sinabing iyon ni Marina.

"Siguro." Pahina ng pahina ang aking boses. "Sige na, Balik kana sa pagtulog mo. May pasok ka pa bukas." Utos ko rito.

Tumango ito bago pinikit ang mga mata at bumalik na sa pagtulog.

Tumihaya uli ako ng higa at muling tumitig sa butas-butas na yero namin.

Walang ideya si Noli sa pagpasok ko ng trabaho sa grocery. Hindi ko nabanggit sa kaniya. Hindi din naman kasi kami nagkikita at nagkakausap nitong mga nakaraang araw. Nagsimula iyon ng—magalit ang buong angkan niya sa akin.

Naramdaman ko ang pagiinit ng sulok ng mga mata ko. Mabilis kong pinahid agad ang luhang namalisbis sa aking pisngi.

Tumagilid ako patalikod sa mga kapatid ko. Ayaw kong maramdaman nilang umiiyak ako. Baka magtaka sila kung bakit naiyak ako sa mga oras na iyon.

Mariing kong pinikit ang mga mata ko at pilit na kinuha ang tulog ko.

Bago pa ako tuluyang dalawin ng antok umusal pa ako sa aking isipan.

"Namimis na kita Mahal..."

***

"Nay papasok na po kami!" Paalam ko kay Nanay ng umagang iyon.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now