Chapter 27

185 8 0
                                    

Chapter 27

"Bes! Okay kalang? Nagkiss sina Vina at Magsasaka mo? Hindi ka na-hurt?"

"Hindi ka nagselos?"

"Hindi ka nagalit?"

"Dapat magalit ka Myrna! Kiniss jowa mo eh!"

"Gusto mo tambangan natin si Vina? Ipapatambang ko siya sa grupo namin mamaya."

"Oo nga! Ipatambang mo Mark tapos patali mo sa ilalim ng punong acasia!"

Kunot-noong tinignan ko ang mga kaibigan ko.

Lahat sila ay nagkakagulo dahil sa nangyari. Hindi nila matanggap ang nangyari kina Vina at Noli.

Pero para sa akin. Aksidente lamang iyon.

Natumba si Vina at nadamay lang si Noli kaya nangyari ang pagdidikit ng labi nila.

Oo. Inaamin kong kahit ako ay nabigla. Pero hindi dapat binibigyan iyon ng meaning.

Hindi naman ginusto ng dalawa ang nangyari pero bakit parang mas apektado pa sila kaysa sa akin?

Bakit mas galit pa sila sa nangyari? Hindi ba dapat ako ang nagagalit kasi boyfriend ko yung nahalikan ng ibang babae? Pero hindi, Tahimik lang ako sa isang tabi.

"Huwag na kayong magalit. Hindi naman ginusto ng dalawa ang nangyari eh. Aksidente lamang iyon." Turan ko sa harapan nila at saka sinulyapan si Noli na wala pa ding malay. Nakahiga ito sa mahabang upuan gawa sa punong kawayan.

Matapos ang eksena kanina hindi na nagkamalay si Noli. Mukhang nalasing na talaga ito at tuluyan ng ginupo ng tulog. Si Vina naman ay umalis matapos ang nangyari kanina. Hindi na ito bumalik. Si Loklok nauna na ding umuwi dahil may kakausapin pa raw ito.

"Hay naku Myrna, Manahimik ka nga riyan!" Sikmat ni Almira sa akin. "Anong hindi ginusto ng dalawa? Aba'y wala kang alam ah!"

"Almira!" Saway ni Wilma rito. "Manahimik ka diyan! Kung ano-ano na naman nalabas diyan sa bunganga mo eh!" Sambit pa ni Wilma sa tonong pagalit.

"O bakit? May mali ba akong sinabi?" Patutsadang iyon ng babae. "Nagsasabi lang naman ako ah,"

"Kahit na! Hindi ito ang tamang oras pa diyan!"

Sumiring si Almira at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Ang mga lalaki naman ay tahimik lang sa isang tabi. Walang sumubok na magsalita. Marahil natakot na kay Wilma. Iba kasi magalit ang babae. Bigla-bigla na lang itong sisigaw at magsasalita ng masasakit na salita.

Napatingin naman ako kay Almira.

"Anong ibig mong sabihin Almira na wala akong alam? Mayroon ba akong dapat malaman?" Wika ko.

Nagkatinginan sila.

"Huwag mong pansinin ang sinabi ni Almira. Myrna, Ang isipin mo ay kung paano mo maiuuwi ang lalaking iyan." Turan ni Wilma at itinuro si Noli.

Nilingon ko ang lalaki. Napaisip. Paano ko nga pala iuuwi ang magsasakang ito? Hihilain pauwi sa bahay nila? O iiwanan ko nalang siya rito?

"Kami na ang bahala kay Noli, Myrna, Mauna kanang umuwi at baka hinahanap kana din sa inyo." Suhestyon ni Mark.

Napatingin ako sa lalaki.

"Sigurado ka?"

"Aba! Ako pa tinanong mo! Syempre naman oo!"

"Pero nong nakaraang taon iyan ang sinabi mo kay Almira na ikaw ang bahala kay Denver matapos ang birthday ni Wilma pero iniwan mo si Denver na natutulog sa ilalim ng punong mangga." Paalala ko sa lalaki.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now