Chapter 43

252 12 0
                                    

Chapter 43

Tahimik ang paligid. Ngunit ang kaluskos ng gripo ay patuloy na nagiingay dahil sa magkakasunod na bomba ni Marlon rito. Nasa labas kaming lahat. Nagaayos ng mesa at mga upuang gagamitin para sa padasal ni Mikmik. Pinahiram pa iyon ng barangay.

Si Nanay nasa loob ng bahay. Siya ang nagluluto habang si Tatay naman ang nagsisibak ng kahoy para pangsiga ng apoy. May gasol at kalang na kami. Nabili ko iyon noong nakaraang taon. Pero kapag ganitong sumasapit ang padasal ng kapatid ko at piyesta ng patay ay sa kahoy kami uli nagluluto. Doon lang kasi kasya ang talyase (malaking kawali) at ng malalaking kaldero at kaserola.

Iyong dala palang pang pansit at pang sopas ni Sir Geovan ang niluluto ni Nanay. Nagpasalamat ito sa lalaki bago lutuin ang naturang panghanda.

Wala sa sariling napasulyap ako sa loob ng bahay. Mula roon kitang-kita ko ang masayang pakikipagusap ng kapatid kong si Marina sa dalawang bisita naming naroon. Sina Noli at Vina.

Limang taong ng mahigit mula ng mangibang bansa ang dalawa at noong nakaraang tatlong buwan lamang nakauwi. Ayon kay Mark umuwi daw ang dalawa para magbakasyon at babalik din ng Saudi upang ipagpatuloy ang naiwang trabaho.

"Hey you okay?"

Bahagyang umangat ang mga mata ko sa lalaking tumabi sa akin. Tulad ni Loki ay may lahi itong hapon. Ngunit hindi tulad ng lalaki ay hindi masyadong singkit ang mga mata nito. Ngunit sa kulay ng balat ay parehong-pareho. Maputi at matangkad. Ryu ang pangalan niya. Nakilala namin siya nina Wilma at Almira ang lalaki noong nakaraang tatlong buwan. Ipinakilala ito ni Lola Pasya. Bagong salta ang lalaki sa lugar namin at nagbabakasyon raw ayon rito.

"Ayos naman ako Ryu. Ikaw? Anong kailangan mo? Nasan si Almira?" Balik na tanong ko rito matapos alisin ang paningin sa loob ng bahay at ituon rito.

Luminga ito kung saan. At mula sa ilalim ng punong mangga naroon si Almira kausap ang nakababatang pinsan nitong lalaki at si Denver.

"Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila ah," Turan ko.

"Ewan ko."

Ibinalik ng lalaki ang atensyon sa akin.

"Do you want me to help you?" Tanong pa nito sabay sulyap sa ginagawa kong pagaayos ng upuan.

"Sure. You can."

Ngumiti ang lalaki.

"Nag level kana talaga. Dati, bulol-bulol ka sa English ngayon kaya mo ng sumagot at sumabay sa akin."

Naginit ang mukha ko kasabay ng pagtampal ng mahina sa braso niya.

"Syempre, Galing kaya ng tutor ko." Nangingiting sabi ko. "Marunong na nga din akong maghapon eh."

"Ows? Talaga? Turo ni Loklok?"

"Oo! Pero yung mga tinuro mo nakalimutan ko agad."

Natawa siya bagamat mahina lamang.

"It's fine. Maaalala mo din ang tinuro ko." Nakatawang sambit niya.

"Teka, Gusto mo bang magkape?"

"No thanks. Kakatapos ko lang magkape ng 3 in 1 sa bahay."

Tumango-tango ako.

"Sige. Sopas nalang mamaya hehe. Teka, Kumakain kaba non?"

"Oo naman. May kaibigan ako sa manila. Madalas niya akong o pagluto i mean madalas kasi akong makikain sa kaniya kaya wala choice kundi pakainin ang isang gwapo at hot na tulad ko." Pagyayabang pa nito sa huli.

"Haha patawa ka naman Ryu eh. Oo alam kong gwapo ka pero hindi ka hot."

Napapokerfaced siya.

"Grabe ka naman Myrna! Hot ako! Hot! Kasing init ng panahon!"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now