Chapter 16

238 15 3
                                    

Chapter 16

"Talaga Tay? Sa atin na ang kalabaw na 'yan?" Hindi makapaniwalang sambit ni Marlon habang nakatitig sa kalabaw na nakatali sa ilalim ng punong mangga.

"Tay, binili mo na ang kalabaw kina Kuya Noli?" Sunod na sambit ni Marina.

"May sasakyan na tayo! Yeheey!" Si Mikmik na tuwang-tuwa pang nagtatalon.

"Oo mga anak, May panghatid na din ako sa inyo sa paaralan niyo. Hindi na kayo maglalakad. Araw-araw na kayong sasakay sa kalabaw." Wika ni Tatay sa tatlong kapatid ko.

Nagtatalon naman ang mga ito sa tuwa dahil sa sinabing iyon ni Tatay.

"Yeheeey!"

"Ang saya ko! May kalabaw na tayo!" Anang Marlon.

"Tay, Pwede na ba natin sakyan ang kalabaw ngayon?" Tanong ni Mikmik at saka nangingislap ang mga matang sumulyap sa kalabaw.

Humagikgik si Nanay.

"Tuwang-tuwa talaga kayong magkaroon ng kalabaw pero hindi niyo pa nagagawa ang dapat gawin." Nangingiting sambit pa ni Nanay.

Natigilan ang tatlong bata at nagkatinginan. Ako naman ay lihim na napangiti. Tignan natin kung alam nila ang ibig sabihin ni nanay.

Nangunot ang noo ko ng makitang nagpantay-pantay sila ng tayo sa harapan ni tatay at sabay-sabay na nag-vow at nagsabing...

"SALAMAT PO SA KALABAW TAY,"

Napaawang ang mga labi ko. Si nanay naman ay napasinghap.

Pareho namin nilingon ni Nanay si Tatay. Nagpupunas na ito ng luha sa mga mata.

Kahit kailan talaga ay ang babaw ng kaligayan niya. Naluluha sa mga simpleng bagay. Napangiti ako sa sarili ng may makalimutan.

Ako din pala.

"O Tay, ba't ka naiyak riyan? Ginagaya mo na naman ba si Jestoni Alarcon? Ku," pabirong sabi na iyon ni Nanay. Siya din nagpupunas na ng luha sa gilid ng mata.

"Ku, ikaw nga diyan ang lumuluha na eh." Balik sabi naman ni Tatay kay Nanay.

"Naku, pawis lang 'to 'noh." Depensa naman ni Nanay.

Nakita kong nagkatinginan uli ang mga kapatid ko.

"Nay, lumuluha ka nga eh. Ginagaya mo din naman si Nora Aunor." Patutsada ni Marlon kay Nanay at saka ito umingos.

Pumamewang si Nanay sa harapan nito. Ang mukha ay nalukot.

"Aba! Tignan mo ang batang ito. Makapagsabi akala mo naman." Nakaingos na sabi ni Nanay kay Marlon.

"Ang nanay talaga tumatanggi pa. Kitang-kita naman eh."

"E kung batikan kaya kitang bata ka riyan ah?"

Humagikgik ang dalawa kong kapatid na babae.

"Ang kuya kasi nilalaglag pa si Nanay." Anang Marina at humagikgik uli.

Umingos si Nanay. Kami naman ay natawa.

"Magtigil nga kayo at baka hindi ko kayo lutuan ng hapunan." Wika ni Nanay sa amin.

"Asus, ang mahal kong asawa talaga." Si Tatay at nilapitan si Nanay at saka ito nilambing. "Wag kang mag-alala ikaw muna ang unang makakasakay riyan sa kalabaw. Ipapasyal kita at magdedate tayo tulad noong kabataan natin." Panunuyo pa ni Tatay kay Nanay.

Namula naman ang mukha ni Nanay at tinagilid ang ulo upang hindi makita ang pamumula ng mukha nito.

"Tigil-tigilan mo nga ako Melchor! Kung ano-anong sinasabi mo. Nasa harapan tayo ng mga anak natin eh!" Pagsusungit ni Nanay pero ang mukha'y pulang-pula.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now