Chapter 19

217 12 2
                                    

Chapter 19

Alas singko pa lamang ng madaling araw ay gising na kaming lahat nina Tatay, Nanay at ng mga kapatid ko. Kailangan kasi namin magayos ng sarili dahil ang araw na ito ang isa sa mga pinakamahalagang gaganapin sa buhay ko. Ang pagtatapos ko ng Hayskul. Ang graduation ng lahat ng mga senior high.

Nakaligo na kaming lahat at nakabihis. Naghahanda na lamang kami ng pagkain para sa pananghalian at babaunin namin iyon. Pagkatapos kasi ng gradweysyon ko ay plano ni Tatay na dalhin kami sa isang lugar kung saan hindi pa daw namin napupuntahan kaya naman itong tatlong kapatid ko ay biglang naeksayt!

Si Koko. Iyong kalabaw. Iyon ang gagamitin daw namin papunta sa lugar na sinasabi ni Tatay. Ginawan niya ng kariton si Koko para masakyan namin. Tapos si Koko ang drayber. Hihi. Naiimagine niyo ba sinasabi ko? Kung hindi, Serts niyo nalang sa Gogel.

"O, Handa na ba ang lahat?" Narinig kong tanong ni Tatay sa amin. Kapapasok lang nito sa may pinto. Siguro ay inayos at hinanda na nito ang kalabaw.

"Opo Tay!" Sabay-sabay na sagot ng mga kapatid ko at nagsiunahan na silang magsitakbuhan palabas ng bahay papunta kay Koko. "Mahuli mabahong kili-kili!" Narinig ko pang sabi ni Marlon bago pa siya makalabas ng pinto.

"Mauna may amoy ang kili-kili!" Nakatawang habol ko sa kanila.

"Hindi 'yan pwede Ate! Nauna akong nagsabi E!" Narinig ko pang protesta ng kapatid kong si Marlon sa labas. Mukhang narinig niya ang sinabi ko.

Nakasakay na siguro siya sa kalabaw naririnig ko na kasi iyong pagatungal ni Koko.

*UNGAAAAAAAAA*

"O ang nanay mo tapos na ba sa pagpapaganda?" Baling na tanong ni Tatay sa akin. Sumulyap pa ito sa bungad ng siwang ng kwarto namin.

Napangiti ako. Alam ko kasing kakantyawan na naman niya si Nanay 'pag makita niya itong nagaayos ng sarili sa kwadrado't maliit at basag naming salamin na nakasabit pa sa playwood na ginawang harang pa para matakpan ang kwarto namin. Wala kaming magandang kwarto na katulad ng iba na kailangan may pinto pa. Maliit lamang ang bahay namin at hindi din naman namin solar ang kinatatayuan ng bahay kaya tiyaga muna kami sa pagsisiksikan sa iisa at maliit na kwarto.

"Oo tapos na akong magayos Tay, Kaya huwag kanang magalala riyan." Kapagkuwang sambit ni Nanay mula sa likuran ni Tatay. Nagsusuklay ito ng mahaba nitong buhok. Noon ko lang napansin na naguumpisa na palang mamuti ang ilang hibla ng buhok ni Nanay. Tumatanda na pala siya.

Lumingon si Tatay sa bandang likuran niya. Kaagad na sumilay ang nakakalokong ngiti sa tuyot nitong mga labi.

"O Nay, Ke ganda mo naman ngayon." Pambobola ni Tatay sa babae.

"Naku! Tigilan mo nga ako riyan Tatay ke tanda-tanda mo na nga napakagaling mo pa ding mambola!" Sikmat ni Nanay kay Tatay bagamat hindi naman galit.

"Ke, Di ba kaya mo nga ako sinagot noong nanliligaw ako sa 'yo ay dahil magaling akong mambola?" Paalalang sabi pa ni Tatay kay Nanay.

Umingos naman ang babae.

"Heh! Magtigil ka ngang matanda ka! Kung ano-anong sinasabi mo riyan at baka maniwala iyang panganay mo. Madali pa namang maniwala ang isang iyan sa sabi-sabi." Kapagkuwan sabi ni Nanay at saka ako pinukol ng tingin.

"Ang nanay naman. Hindi naman ako ganon eh." Depensa ko.

"Asus. Hindi daw. Naniwala ka ngang gusto ka ni Noli eh." Patutsadang sabi pang iyon ni Nanay.

Sumimangot ako.

"Aba'y hindi naman liligawan ng batang iyon ang anak natin kung hindi siya gusto. Ke ganda kaya ng anak nating ito kaya't maanong hindi siya maniniwala sa sinabi ng lalaking 'yon." Buwelta naman ni Tatay pagkalapit sa akin at saka ako inakbayan. "Huwag mong pansinin ang nanay mo, Nak. Ganyan lang iyan. Palibhasa kase'y katulad na katulad ka din niya noon kabataan pa niya." Nakangising sabi pa ni Tatay.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now