Chapter 3

548 16 3
                                    

Chapter 3

"Uy Myrna! Tulala ka!"

Napapitlag ako at napatingin kay Noli.

"A-ano?"

"Sabi ko, Tara na at kain na. Tayo nalang kasi ang nandito sa gitna." Wika niya.

Hindi totoo ang narinig ko kanina. Hindi niya sinabing liligawan niya ako. Imahinasyon ko lang iyon. Nanaginip lang ako ng gising.

"Uy Myrna. Ano? Tara na doon."

Tumagilid ang ulo ko. Hinanap ng mga mata ko ang mga tao sa paligid namin. Wala na pala sila. Napadako ang tingin ko mula sa ilalim ng kumpol-kumpol at mahahabang puno ng kawayan naroon na ang mga kasama namin at abala na sa pagkain.

"May problema ba Myrna?" narinig ko pang tanong ni Noli mula sa gilid ko.

Nilingon ko siya. Halos mapugto pa ang hininga ko ng mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha niya sa akin.

"N-noli..." wala sa sariling anas ko.

"O bakit Myrna?"

Napalunok ako.

"L-layo ka k-konti."

"Bakit?"

"H-hindi a-ako makahinga."

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong pa nito sa akin at hindi pa ginagawa ang sinabi ko.

Muli akong napalunok. Nagsimula na ding maginit ang mukha ko.

"B-basta. L-layo ka muna." Kandautal pa ding sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa guwapong mukha niya.

Kumunot ang makinis niyang noo at halatang nagtataka sa inaakto ko.

"Hindi naman mabaho hininga ko ah! Bakit mo ako pinapalayo? At iyang mukha mo, bakit namumula? Maysakit ka ba?" sunod-sunod na sambit pa niya at akmang hahawakan ako pero mabilis kong iniwas ang sarili sa kaniya.

"Wala akong sinabing mabaho ang hininga mo. Ang sabi ko lang, lumayo kanang kaunti sa akin. At wala akong sakit. Mainit kasi kaya namumula ako." Katuwiran ko sa huli.

"Weh? Hindi ka naman maputi ah, Bakit ka mamumula? Imbento ka naman." Basag niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Anong naman tingin niya sa akin? Negrang-negra?

"Bakit sa maputi lang ba ang namumula ah? Ang sama mo ah!" sikmat ko na kinamaang niya.

"Luh? Wala naman akong sinabi ah?" tanggi pa niya.

"Anong wala?! Meron! Kasasabi mo lang kanina! Aydenyal ka!"

"Idenial Myrna hindi Aydenyal." pagtatama pa niya sa sinabi ko pero inungusan ko siya.

"Idenyal nga! Ano bang sinabi ko? Ginagawa mo akong bobo ah?! E mas mataas naman ang grade ko sa 'yo kumpara sa 77 mong grade!" naiinis sa sumbat ko sa kay Noli.

"Oh bakit napunta sa grades natin? Saka oy Myrna! Walang ganon grade sa card ko ah! Puro 79 kaya grades ko pinakamataas 80! Palibhasa kasi ang highest lang sa 'yo 78! Ang iba puro 70, 71, 72,73 74 75!" mayamayang sikmat na din niya sa akin.

Aba't!

Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Pampa ka? Ano naman sa 'yo? At least nagaaral akong mabuti!" singhal ko sa mayabang na lalaking ito.

Tumawa siya ng napakalakas kaya naman napalingon sa amin ang mga kaibigan namin.

"Myrna ang nagaaral may mataas na grade hindi puro palakol! Maganda ka sana kaso boplaks ka!"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now