Chapter 29

191 8 1
                                    

Chapter 29

"Mahal, tignan mo oh, ang ganda ng kulay ng kalangitan. Asul na asul." Wika ko kay Noli at itinuro ang napakalawak at napakagandang kalangitan.

"Oo. Kasing ganda mo Mahal,"

Paglingon ko kay Noli nakatitig pala siya sa akin. May magandang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi.

Humaba ang nguso ko.

"Binobola mo na naman ako eh!"

Natawa siya at Inakbayan ako.

"Maganda ka naman talaga Mahal eh," Aniya na habang nakatagilid ang ulo sa akin.

Tiningala ko siya dahil mas matangkad siya sa akin. Nagsalubong tuloy ang mga mata namin. Matagal na nagkatitigan.

Bigla akong nailang kaya't mabilis kong iniwas sa kaniya ang paningin.

"Makatitig ka naman para mo naman akong tutunawin." Nakalabing sambit ko upang pagtakpan ang pagkakailang.

"Sus. Ang sabihin mo kinilig ka na naman. Pamatay titig ko eh." Pagyayabang pa ng magsasakang negrong ito.

Umingos ako.

"Nagbubuhat ka na naman ng sarili mong bangko. Mamaya niyan holdapin ka sa kayabangan mo." Patuyang sabi ko sa kaniya.

Tinawanan lang niya ako.

Natahimik na uli kaming dalawa.

Nasa kalagitnaan pala kami ng Planas. Natuloy ang plano naming pamamasyal roon. Nasa tuktok kami ng bundok. Madaling araw pa lamang ng magpasya kaming magpunta roon gamit ang owner nila Wilma.

Sa edad na disiyete marunong ng magmaneho si Noli. Ang kwento niya sa akin ay tinuruan daw siya ng tatay niya gamit ang lumang sasakyan naman ng uncle nitong de-abroad sa Saudi na si Uncle Joey.

Si Koro paminsan-minsan ginagamit din namin. Pero kadalasan nasa ilalim ng punong mangga ang kalabaw. Paminsan-minsan nilalabas ito ni Tatay at pinakakain ng mga ligaw na damo sa mga gilid ng kalsada kasama ang tatlong kapatid ko.

"Mahal..." tawag sa akin ni Noli.

"Hmm?"

"Nagusap kami ni tatay at ng tiyuhing Nelson."

Bahagya ko siyang nilingon at tiningala.

Nakatingala siya at pinagmamasdan ang mga ibong nagkalat sa himpapawid. Ang mga malalaking ulap na nagsikalat sa kalangitan ay unti-unti ng naglalaho na. Ang iba naman ay sumasama sa ibang maliit na ulap at saka iyon lalaki.

"Anong pinagusapan niyo?"

Sandali pa munang hindi siya nakasagot. Umalon ang kaniyang lalamunan at handa na uling ibuka ang bibig.

"Gusto akong pagaralin ni Tiyuhing Nelson ng kolehiyo."

Napatitig ako sa kalahating mukha niya.

Pagaaralin si Noli ng tiyuhin niya?

Kung ganon...kapag pumasok siya may posibilidad na mawawalan na kami ng oras dahil kailangan niyang magpokus sa pagaaral.

"Anong sabi mo?" Wala sa sariling sambit ko.

Saglit niya akong nilingon.

"Gusto kong mag-aral Myrna pero..."

"Pero ano?"

"Paano ka?"

Natigilan ako.

Iniisip niya ako?

Nagaalala ba siya? O pareho lang kami ng iniisip?

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin