Chapter 34

203 10 2
                                    

Chapter 34

"Noli ano ba? Bitiwan mo ako!"

Iyon ang paulit-ulit na sambit ko habang pilit na hinihila ang kamay ko sa kaniya pero mahigpit lang niya iyon hinawakan. Patuloy siya sa paglalakad. Namumula ang kaniyang mukha sa galit.

"Hindi Myrna! Haharapin natin ang nanay!"

"Pero Noli!"

"Walang pero-pero Myrna!"

Pilit ko paring hinihila ang kamay ko sa kaniya pero ayaw talaga niyang pakawalan.

Malapit na kami sa bakuran nila ng mamataan ko ang Nanay niya si Aling Norma. Nasa balkonahe nila ito at nakaupo. Tumayo lamang ng mamataan kami.

Huminto kami pareho sa harapan ng matandang babae. Bahagya pa itong sumulyap sa akin ngunit ang mga mata'y humahagod sa aking kabuuan wari'y pinagaaralan.

Mayamaya ay ibinaling na nito ang atensyon sa anak. Kay Noli.

"O Noli bakit ngayon ka lang? Gabi na. Kanina ka pa hinihintay ng Itay mo. At saka bakit magkasama na naman kayo ni Myrna? Hindi ba't gabi na? Bakit nasa labas pa kayo? Aba! Hindi 'yan gawain ng isang matinong babae ah!" Panenermon ng Nanay ni Noli sa kaniya habang ako ay nakayuko na ang ulo at walang lakas ng loob na salubungin ang galit niya. "Pauwiin mo na iyan Noli at pumasok kana sa loob!" Utos pa ng matandang babae. "O mas magandang umuwi na lang siya magisa tutal hindi naman siya bata para samahan pang umuwi. Sige na Myrna, Umuwi kana sa inyo at tumulong ka sa nanay mo." Utos sa akin ng matandang babae.

"N-noli. Ang kamay ko."

"Hindi. Dito ka lang!" Matigas na sabi nito.

"Noli, gabi na pauwiin mo na siya."

Lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko ni Noli.

"Nay, Magusap ho tayo!" Anito sa mataas na boses.

Umawang ang tuyot na mga labi ng matandang babae. Nabigla sa pagtaas ng tono ng anak.

"Bakit ka nagtataas ng boses sa akin anak?!" Gulat na gulat na sambit nito. "Iyan na ba ang tinuturo sa iyo ng babaeng iyan ah, Noli?! Ang bastusin ako!" Namumulang sabi ni Aling Norma kay Noli at pinukol ako ng matalim ng tingin ng matandang babae.

"Hindi po Nay! Wala pong tinuturo sa akin ang girlfriend ko!"

"Kung ganon bakit ka nagtataas ng boses sa akin?! At huwag na huwag mong mabanggit-banggit ang salitang iyan sa harapan ko! Nandidiri ako!"

"Nay!" Gilalas ni Noli pagkarinig sa sinabing iyon ng nanay niya.

"Huwag mo akong pagtaasan ng boses!"

"Humihingi po ako ng tawad sa pagtaas ko ng boses sa inyo pero hindi ko gusto ang tono ng pananalita ninyo sa girlfriend ko!"

"Aba't! Gumaganyan kana ngayon!"

"Opo Nay! At nagagalit po ako sa ginagawa niyo!"

Bumalatay ang pagtataka sa mukha ng matandang babae sa sinabing iyon ni Noli.

Lumipat ang tingin sa akin ni Aling Norma. May galit sa mga mata nito.

"Myrna, Ano na naman ba ang pinaggagawa mo sa anak ko? Bakit umuwi na naman siyang ganyan!" Galit na tanong nito sa akin. "Wala talaga akong tiwala sa 'yong babae ka! Sa tuwing magkakasama kayo ng anak ko ay laging may nangyayari sa kaniya!"

Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi alam ang isasagot. Nagumpisa na ding mangamba ang dibdib ko sa maaaring mangyari sa magina.

"Noli uuwi na ako." Sabi ko sa kaniya.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now