Chapter 13

270 14 0
                                    

Chapter 13

Panay pa ring ang simangot ko sa harapan ng hapag-kainan habang sumusubo ng malaki at ngunguya ng maingay.

"Ano ba 'yan Myrna anak, Bakit ba ang ingay mong kumain?" Sita sa akin ni Nanay ng tignan ako. "Nakakahiya kay Noli ang ginagawa mo." Wika pa ni Nanay matapos sumulyap sa lalaking katabi ko.

Nakabusangot kong nilingon ang katabi kong sarap na sarap kumain sa pagkain niya! Lumingon pa ito sa akin at nagthumbs-up! Pero inirapan ko lang ang lalaki.

Tinotoo talaga ng lalaking ito ang sinabi kaninang tanghali. Na babalik at makikikain sa amin!

At ang magsasakang lalaking ito napakasuwerte!

Naabutan lang naman niyang lechon manok at dining-ding na malunggay at talong ang ulam namin.

At heto nga! Sarap na sarap siyang kumain!

Minsan na nga lang kaming makapagulam ng masarap makikihati pa! Nakakainis!

Pero buti nalang hindi ako nagluto. Swerte ang magsasakang ito kung matitikman na naman niya ang luto ko. Hmp!

Sa buhay na mayroon kami. Bihira lang kami makatikim ng masasarap na ulam at iba pang masasarap na pagkain. Siguro iyon lechon manok siguro isa o dalawang beses lang kami makakain non sa isang taon. Kapag karne ng baboy naman. Isang beses lang kasi mahal ang presyo at hindi namin kayang bumili non. Iyong ibibili kasi naming karne ilalaan na lamang sa baon ng mga kapatid o kaya'y pambili ng bigas at kandila o kaya naman gaas para sa ilaw namin. Pero kapag may birthday o kasal naman dumadayo kami at doon namin sinasamantala ang pagkain ng marami. Doon lang naman kasi kami nakakain ng iba't-ibang putahe ng ulam at ng masarap na cake.

Kapag may birthday pala sa amin magkakapatid. Doon nagluluto ng madami si Nanay. May pansit bihon, may sopas at juice na kalamansi at cake na binibili pa ni tatay sa Cindy's.

"Sige lang kain ng kain iho, marami pa ang ulam at kanin riyan."

"Nay! Wala na po tayong maiuulam bukas ng umaga!" Protesta ko ng marinig ang sinabing iyon ni Nanay kay Noli.

Pare-pareho silang napatingin sa akin. Maging ang mga kapatid ko ay napatigil sa pagsubo at pagnguya dahil sa biglaang pagtaas ko ng boses.

"Myrna!" Saway ni Nanay sa akin. "Bakit kaba sumisigaw?! Nakalimutan mo na bang nasa harapan tayo ng hapag-kainan ah?" Simulang tanong ni Nanay sa tonong may panenermon.

Si tatay ay tahimik lang at hindi nagsalita. Iyong mga kapatid ko nakatingin lang sa akin. Siguro'y nagtataka sa inaasta ko.

"Bakit ba parang wala ka sa katinuan mo? Dahil ba nakikikain sa atin ang kaibigan mo?" Muli pang tanong ni Nanay. "Marami pa namang pagkain ah,"

Ngumuso ako.

"Sagutin mo ako Myrna." May awtoridad na utos na iyon ni nanay.

"Nay kasi..." pabitin na sabi ko.

"Anong kasi?"

Sumulyap ako kay Noli. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Huwag kang magalala Myrna, Hindi ko naman uubusin ang ulam niyo." Aniya at nginitian ako ng malaki.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit kailangan pa niyang sabihin 'yon sa harapan nila Nanay at Tatay!

"Wala naman akong sinabi ah?!" Biglang inis na sabi ko sa kaniya.

"Alam ko. Pero pinalalaahanan lang kita." Mahinahong sabi naman niya pabalik sa akin.

Bakit ang kalmado niya? Hindi ba dapat mainis siya dahil pinapakita ko sa kaniyang hindi ko gusto ang pagpunta niya sa amin at ang pakikikain.

"O hindi naman pala niya uubusin anak kaya kumalma ka lang diyan kasi marami pa naman ang ulam natin. At kung maubusan man tayo edi, pwede naman tayong umutang kay Aling Perla ng sardinas at itlog para bukas ng umaga." Si Tatay habang nakangiti.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now