Chapter 38

195 10 1
                                    

Para mas dama ang sakit. Sabayan natin ng masakit na kanta.

Played Song: Nang Dahil sa Pag-ibig.
By: Toosie Guevarra.

Enjoy the most heartbreaking in this part.

Chapter 38

"Noli!"

Mabilis akong tumawid sa kabilang kalye ng makita ang lalaki. Lakad-takbo pa ang ginawa ko para lang maabutan ito. Kakababa lang nito ng owner. Mukhang mamalengke. May hawak kasi itong nakatuping papel. Iyon siguro ang listahan.

"Pre, Una na kami sa loob ng palengke. Doon nalang tayo magkita sa gulayan nilang Aling Teresa." Paalam ni Denver rito pero bago pa ito umalis ay napasulyap pa sa akin pero mabilis din iniwas ang tingin sa akin.

"Anong kailangan mo?" Mas malamig pa sa yelong tanong nito. Ang mga mata'y walang nababanaag na kahit anong emosyon. Blangko lang.

Napalunok ako. Napatitig sa kaniya.

Halos magiisang buwan na kaming hindi nagkita at ngayon lang uli. Aminin ko man o hindi. Namis ko si Noli.

Tumikhim ako at nagsimulang ibuka ang mga labi.

"G-gusto ko sanang...makausap ka Noli," Kandautal na sabi ko pa. Nagsimula na ding bumilis ang ritmo ng aking puso.

Kumunot ang noo niya.

"Anong paguusapan natin? Mahalaga ba 'yon?" Tanong niya uli.

Napalunok ako.

Bakit parang—hindi niya gusto ang ideyang maguusap kami? Ayaw ba niyang kausap ako? Hindi ba niya ako namis?

"A-ano...iyong t-tungkol s-sa atin."

Mas lalong lumalim ang gatla ng kaniyang noo dahil sa pagkakakunot non.

"Sa atin? Anong meron sa atin?" Nagtataka pang sambit nito.

Napalunok ako ng ilang beses. Bakit ba ganyan ang reaksyon niya? Bakit parang hindi siya natutuwang makausap ako. Anong nangyari?

"Pasensya na Myrna pero....wala na tayong dapat pagusapan pa."

Natigilan ako.

Myrna na uli ang tawag niya sa akin. Hindi na mahal.

"A-ayaw mo ba akong kausap?" Lakas-loob na tanong ko kahit na may kung anong kakaiba sa aking nararamdaman na hindi ko maintindihan.

Luminga muna siya sa paligid na para bang may hinahanap. Ang kaniyang mga makakapal na kilay ay salubong na ring.

Ibinalik niya ang tingin sa akin.

"Hindi sa ganon pero kasi...hindi ba wala na tayo?"

Gulat akong napamata sa kaniya. Hindi agad nakaumang sa sinabi niya.

"H-ha?"

"Hiwalay na tayo hindi ba?"

Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan. Ang dibdib ko ay mas lalong bumilis ang ritmo.

"A-ano?"

"Pasensya na pero kailangan ko ng umalis baka naghihintay na sa akin si Vina sa loob ng palengke."

Natigilan uli ako ng marinig ang pangalan ng babaeng minsan ay pinagselosan ko.

Si Vina? Magkasama sila ng babae?

Paalis na sana si Noli ng mabilis ko siyang hinawakan sa braso at pinigilan kaya naman salubong ang kilay na nilingon niya ako. Bumaba pa ang mata niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin