Chapter 20

263 11 1
                                    

Chapter 20

"Magtigil ka nga Noli! Kanina ka pa ah!" Singhal ko sa lalaki na siyang kanina pa ako inaasar.

Humalukipkip ako at pinukol siya ng masamang tingin.

"Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari ngayon Myrna, biruin mo may natanggap kang ribbon at Most Behave pa tapos sinagot mo pa ako? Pota! Para akong nasa heaven non!" palatak pa ng lalaki matapos sambitin ang katagang iyon.

Napapailing naman akong napatingin sa kaniya. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Titignan ako tapos saka siya tatawa na para bang wala ng bukas.

Palibhasa'y tuwang-tuwa siya dahil nakatanggap ako ng ribbon Most Behave tapos sinagot ko pa siya.

Tama kayo ng narinig. Sinagot ko na si Noli kaya kami na.

At oo nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit ko siya kasama. Sinama lang naman siya ni Tatay. Pagdating kasi namin sa bahay ay naghanda na agad kami para sa pupuntahan naming lugar na sinasabi ni Tatay. Nagpalit lang kami ng pambahay at pagkatapos ay sumakay na sa kariton sa may likod ni Koko. Doon kaming lahat nina Nanay at ng mga kapatid ko. Si tatay lang ang tanging nakasakay sa kalabaw at drayber. Pero biglang humabol ang lalaking kasing kulay ng lupain ng Pagrang-ayan na may kulot ang buhok pero hindi naman literal na kulot. Yung bang sinasabi nilang...weybi her...wavy hair 'ata parang ganon? Ewan basta!

Sumakay siya at umupo sa tabi ko na para bang inimbita namin siya ay gustong-gusto ko siyang katabi. Binigyan naman ako ni Nanay ng nagtatanong na mga mata pero sa

Tuwang-tuwa naman ang tatlong kapatid ko dahil kasama daw ang kuya Noli nila at may makakalaro sila.

Naroon na kami sa nasabing lugar ni Tatay.

Isang malawak na lupain na pulos damo ang makikita pero may mga punong melina namang nakikita pero malayo na sa kinaroroonan namin. Kitang-kita ang kabuuan ng pagrang-ayan sa mataas na lupaing kinaroonan namin. Nasa bandang tuktok kasi kami. Si Koko nga pala iyong kalabaw naiwan sa baba. Itinali ni Tatay sa puno ng mangga. Hindi kasi makakaakyat si Koko dahil may kataasan ang lugar na pinuntahan namin. At Dahil sagana sa damo ang pinagiwanan sa kalabaw ay hindi magugutom ang hayop.

Nakalatad ang isang kulay rosas na tela sa damuhan at ang mga nakabasket na pagkain ay nakalatag na din. Kanina pala nang dumaan kami sa tindahan ni Mang Juan sa kabilang kanto palabas ng barangay namin bumili si Noli ng dalawang boteng litro ng Coke. Share daw niya sa piknik namin. Natuwa naman ako dahil makakainum na uli ako ng malamig na softdrink. Dahil nga nagtitipid kaming maganak ay hindi kami pwedeng bili ng bili ng softdrink. Hindi kasi pwede sa mga kapatid ko. Pinagbabawalan kami ni Nanay sa mga maasidong inumin. Kahit naman hindi karangya ang buhay namin ay alam ni Nanay na pahalagahan ang kalusugan naming mga anak niya.

Kami lang dalawa ni Noli ang naiwan sa pwesto namin. Sina nanay at tatay ay naglakad-lakad na muna sa malawak na lupain. Ang mga kapatid ko naman ay abala sa paglalaro. Dahil hindi naman masyadong maaraw hindi masakit sa balat ang sinag.

"Hindi ka titigil sa kakatawa mo diyan?" May halong pang babantang sabi ko kay Noli.

Mabilis niyang itinikom ang bibig niya.

"Ang pikon mo naman Myrna para nagsasaya lang eh." Kapagkuwan sambit pa ng lalaki.

Pinandilatan ko siya.

"Anong nagsasaya ka? Nangaasar ka kaya!" Sikmat ko sa kaniya.

"Luh? Hindi ako nangaasar! Masaya lang ako dahil nakatanggap ka nang ribbon tapos sinagot mo na ako kaya sinong lalaki ang hindi magsasaya non?" Paliwanag pa ng magsasaka.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now