Chapter 24

201 12 2
                                    

Chapter 24

"Kakanin! Kakanin kayo riyan! Masarap at walang kapares ang sarap!"

"Kakanin bili na kayo diyan! Murang-mula lang po ang kakanin bili na kayo mga suki!"

"Putik! Tumal naman ngayon! Bakit kaya walang nabili?" Palatak ni Noli na siyang may bitbit ng bilao at pasan iyon sa kaniyang ulo. Ang hawak ko naman ay basket. Naglalaman ng mga biko at lumpiang shanghai.

Naupo ang lalaki sa gilid ng kalsada at nagpahinga sandali.

Pinasadahan ko siya ng tingin.

Pawisan na siya at tulo pawis na sa kaniyang mukha. Kanina pang alas siete kami umalis ng bahay para magtinda dito sa barangay mapurok tres pero magaalas-nuebe na ay hindi pa kami nakakapagbente. May balat 'ata ang lalaking ito sa puwet.

"Mahal lika dito upo ka muna sa tabi ko. Pahinga muna tayo sandali." Ani Noli at hinila ako sa isa kong kamay at pinaupo sa tabi niya.

Wala na akong nagawa kundi maupo na sa tabi. Masakit na ding naman ang mga binti't paa ko kaya kahit konti pahinga ko muna.

"Paano na 'yan Mahal uuwi tayong walang benta?" Wika ni Noli habang nakatingin sa bilaong puno pa ng kakanin at ube.

Napakamot ako sa gilid ng noo ko at tinignan ang lalaki.

"Mahal, Umamin ka nga sa akin." Paninimula ko at tinignan ang lalaki.

"Ha?"

"Sabihin mo nga sa akin. May balat kaba sa pwet mo?"

Nagsalubong ang dalawang makakapal niyang kilay.

"Putik naman Mahal! Bakit mo naman naitanong 'yan?" Ekseheradang bulalas niya.

Muli akong napakamot sa gilid ng noo ko at bahagyang sinulyapan ang mga paninda namin.

"E paano naman kasi mahal! Kanina pa tayo nagiikot pero wala pang nabili!" Nakasimangot na tugon ko.

"E anong kinalaman non sa tanong mo?" Takang tanong niya.

"Kaya nga tinatanong ko Mahal kung balat ka ba sa puwet o wala. Kasi kung meron, Malas ka! Kasi hindi pa tayo nakakapagbenta! Kapag magisa lang akong nagtitinda nakakaubos agad ako! Pero bakit ngayon kasama kita ay—wala man lang akong ni isang benta!" Nakasimangot na paliwanag ko.

Pagak siyang tumawa ng malakas. Hindi makapaniwalang tinignan niya ako.

"Naniniwala ka sa ganyan Mahal? Kapag may balat sa pwet, Malas agad? Shuta naman!" Palatak pa ng lalaki.

Napanguso ako.

"E kasi naman wala pa tayong benta!" Palatak ko.

"Mahal matumal kasi ngayon! Wala pa kasing gapasan kaya walang pera ang mga tao." Paliwanag pa ng magsasaka pero napanguso parin ako.

Napasabunot siya sa kaniyang ulo.

"Tae naman! Pati balat sa pwet ginagawang dahilan kapag hindi nakabenta." Narinig kong himutok ni Noli sa isang tabi.

Nakamasid lang ako sa kaniya. Nakanguso at paminsan-minsan sumusulyap sa paninda namin.

"E paano na 'to? Lunes na bukas pero wala pa tayong benta? Walang babaunin ang mga kapatid ko bukas Mahal," Malungkot na pahayag ko habang nakatitig sa mga paninda namin.

Naramdaman ko ang paglingon ni Noli sa akin. Siguro ay naaawa na siya sa akin. Siguro naiisip na niyang...

Sana hindi na lang ako sumama.

"May mamayang hapon pa naman tayo Mahal, Makakabenta pa tayo." Pampalumbag niya sa akin.

"Pero marami pa 'to Mahal, Maubos ba mamayang hapon ang lahat ng ito?" Wika ko ng tignan siya.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now