Chapter 33

187 12 1
                                    

Chapter 33

Pauwi na kami ni Almira sakay ng traysikel. Hindi kami nasundo nila Wilma at Mark dahil abala raw ang mga ito sa barangay. Nakakapagtakang magkasundo ang dalawa nitong mga araw gayong palaging nagbabangayan tuwing magkakasama ang magbabarkada.

Bago umuwi. Dumaan na muna ako sa loob ng palengke at namili ng dalawang kilong isda. Tilapya at bangus. Ulam naming ngayong gabi at bukas.

"Almira bakit ang lungkot mo 'ata ngayon?" Pukaw ko sa kaibigan kong kanina pa tahimik.

Tumingin siya sa labas sa kalsada.

"Iniisip ko lang ang Lola Myrna."

"Bakit? May sakit na naman ba si Lola Merong? Sinusumpong na naman ba siya ng rayuma niya?" Nagaalalang tanong ko sa babae.

Si Lola Mering ay matanda na at ayon kay Almira ang edad nito ay mahigit nasa sixty anyos na raw. Sakitin ang matanda kaya naman sa tuwing maiiwan ito ni Almira ay palagi itong nagaalala sa matanda. Ito lang kasi ang kasa-kasama nilang magpipinsan. Lahat kasi silang magpipinsan ay ulila na lalo na si Almira na maagang naulila. Iyong ibang pinsan nito ay hiwalay ang mga magulang at wala na raw pakialam sa mga anak. At Tulad namin ng pamilya ko ay salat din sila sa pamumuhay. Kung hindi pa mamulot ng bakal, bote at pako na maibebenta ay wala ding silang maipambibiling pangkain araw-araw.

"Hindi ko alam kung ano bang nagawa natin at naging ganito ang buhay natin Myrna...marami akong pangarap kina Lola at sa mga pinsan ko. Gusto kong makapagaral at makapagtrabaho ng maganda para matulungan sila...pero paano? Paano ko gagawin yung kung ang pangkain palang namin ay kulang na kulang na? Mga gastusin sa bahay? Mga baon ng pinsan ko? Saan ko lahat kukunin ang mga iyon kung wala akong trabaho ngayon?" Mahabang pahayag ni Almira sa malungkot na boses.

Hindi ako nakaimik. Maging ako ay iyon lagi ang tanong ko sa sarili ko.

Ano bang nagawang kasalanan ng mga magulang ko? Bakit kami hinayaan ng panginoon na maging ganon ang buhay?

"Almira..." anas ko ng makitang may kumawala ng luha sa kaniyang mga mata.

"Sa totoo lang Myrna...Nahihirapan na ako." Piyok na sabi niya. "Nahihirapan akong makitang naghihirap si Lola kakaisip kung paano kami bubuhaying mga apo niya....kung paano siya makakahanap ng paraan para pagaralin kaming lahat. Gustong-gusto ko siyang makitang nakangiti Myrna. Yung—walang iniisip na problema? Yung bang kahit asin at bagoong lang ulam namin ay masaya pa din kaming tignan? Yung hindi...mamaya malungkot na naman kami kasi magiisip na naman kami kung ano uli ang ulam namin. Gusto ko...tuloy-tuloy ang ngiti sa mga labi nila Lola at ng mga pinsan ko. Pero paano mangyayari iyon? Minsan, napapaisip akong—magnakaw nalang kaya ako? Magtrabaho sa beer house mas malaki ang kita roon. Makukuha ko ang lahat pero—sa tuwing iisiping kong gagawin ko ang lahat ng iyon ay nasusuka na ako. Gusto ko ng sumuko pero pilit parin akong lumalaban...palagi ko paring sinasabi sa sarili kong...darating ang araw matatamasa din namin ang natatamasa ng ibang tao...ng nga kapit-bahay natin. Hindi na kami mangungutang ng sardinas para may maiulam. Hindi na magnanakaw si Banjo ng dahon ng malunggay sa kapit-bahay natin. Hindi na kami mangangarayan para makahuli ng isda. Hindi na kami manghihiram ng bigas kina Wilma. Lahat ng iyon pinapangarap kong mapapalitan din ng karangyaan. Lahat ng iyon Myrna..." Garagal na ang boses ito. Ang luha sa kaniyang mga mata ay nagtuloy-tuloy na. Maging ako ay nahawa na din sa kaniya. Nanubig na ang aking mga mata at nagumpisa ng tumulo ang luha sa pisngi.

"Kahit naman ako ay nangangarap Almira. Gusto ko ring umasenso. Gusto kong itaguyod ang pamilya ko sa kahirapan..." Pipiyok-piyok na sabi ko sa kaniya.

Tinignan niya ako.

"Kaya nga sabi ko sa 'yo...magtrabaho tayo ng maigi para maiahon natin sa kahirapan ang mga mahal natin sa buhay hindi ba?"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now