Chapter 48

265 8 0
                                    

Chapter 48

"Talagang tinotoo mo ang pagpunta dito 'noh? Wala ka talagang hiya!" Sikmat ko kay Noli nang harangin ko siya papasok sa may pinto namin.

Sa halip na makaramdam ng hiya ay ngumiti pa nang malapad ang lalaki.  

"Wala talaga akong hiya Mahal ko pagdating sa 'yo. At isa pa, namis ko ang luto mo." Panguuto pa nang Negro! Kaya naman lalong uminit ang ulo ko!

"Itigil mo nga iyang kakamahal mo sa akin! Hindi naman tayo eh!" Pagtataray ko rito. 

"Galit ka lang Mahal pero alam kong tayo parin at ako parin ang Mahal mo." Simyento pa niya habang napakalaki parin ng ngiti sa mga labi. Kabwesit talaga!

"Hindi ka lang talaga walang hiya ang kapal-kapal din ng pagmumukha mo!"

"Same lang tayo Mahal."

Sa inis ko ay inapakan ko ang isa niyang paa. Napaigik siya at napasigaw.

"Tangina! Ang sakit!"

"Ano!? Gusto mo pa?!" Naguusok ang ilong na tanong ko sa Negro habang nakaamba ang isa kong paa handa na uling apakan ang kaniyang.

"Tangina naman Myrna! Gusto ko lang naman kumain ng Tinolang manok mo pero bakit nananakit kana?" Nakangiwing aniya.

Bakas sa gwapong mukha nito ang sakit na naramdaman dahil sa ginawa kong pangaapak ng paa niya. At ipapaalala ko lang sa sarili kong hindi siya gwapo!

"Hindi mo ba ako aamuhin?" Mayamayang pukaw niya daa a

Pumamewang ako sa harapan niya

"At bakit ko naman gagawin 'yon aber?!"

"Kasi ako ang sinisinta mo." Agarang sagot niya.

"Talagang gusto mo uling maapakan sa paa ah!"

"Tangina ayoko na Mahal!" Bulalas ni Noli ng akmang aapakan ko uli ang paa niya. Umatras pa siyang upang masigurong hindi ko mapupuntirya ang paa niya.

"Kung ganong umuw—Ate luto na raw ba ang ulam  tanong ni Tat—Uy, Kuya Noli narito ka uli? Kaain ka uli dito? Masarap ang nilutong Tinola ni Ate di ba paborito mo 'yon?" Kapagkuwang sambit ng kapatid kong si Marlon matapos sumingit sa usapan namin ng Negro.

"Hindi siya kakain dito Marlon. Uuwi na siya." Malamig na tugon ko sa sinabing iyon ng bata.

Tumingala sa akin ang kapatid ko.

"Ay? Bakit ate hindi ba kasya ang ulam natin?"

"Hindi!"

"Sayang naman!" Narinig ko namang pahapyaw ng lalaki sa gilid.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Anong sayang?" 

"Yung ulam hindi kasya." Nakangiwing sagot ni Noli.

Umismid ako.

"Sinadya ko talagang huwag magluto ng marami para walang makikikain!"

"Ha?"

"May reklamo ka?"

Napakamot sa ulo ang Negro.

"W-wala naman."

"Mabuti naman kung ganon, Hmp!"

"Ate, hindi mo ba namimis si Kuya Noli?" 

Nagusok ang ilong ko sa tanong na iyon ng bata.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang