Chapter 47

299 13 1
                                    

Chapter 47

Sa araw-araw na yatang pagdarasal ko sa panginoon na sana'y hindi na pagtapuhin ang landas namin ng Negro ay hanggang ngayon hindi parin nadidinig!

Araw-araw sira ang araw ko!

Dahil sa tuwing pinagtatagpo kami ng tadhana ay siya naman madalas na pag init ng aking ulo. Kadalasan pa ay nawawalan na ako ng mood at madalas ng sigawan kung sinuman ang makasalubong ko.

Tulad na lamang ngayon, Araw ng linggo. Dapat mabait ako at nagmumuni-muni sa loob ng maliit naming tindahan na naipundar ko ng huling taon pero hindi yun nasunod dahil sa lalaking kulang na lang ay tumira na sa amin!

Oo nga pala, Noong nagtatrabaho palang ako sa Ramon sa may Grocery kina Sir Geovan ay nakapagisip na akong magbukas ng maliit na negosyo para pandagdag sa pangangailangan namin. Tuwang-tuwa sina Nanay at Tatay at ang mga kapatid ko dahil may sarili na kaming tindahan at hindi na kami mangungutang ng sardinas kung saan-saan tindahan.

Panay naman ang usisa ng mga kapit-bahay namin noong nagtatayo si Tatay ng maliit na pwesto sa harapan namin. Paano raw kami nagkaroon ng lakas ng loob na magtayo ng negosyo gayong wala naman raw kaming sapat na puhunan.

Ngumiti ako sa kanila upang pigilan ang pagsagot sa kanila ng hindi tama. Nakakainsulto kasi ang katanungan nilang iyon. Para bang pinararating na kahit kailan ay hindi na kami magkakaroon ng pag asang gumanda ang pamumuhay naming ng pamilya ko.

Sumagot ako kahit na may kaunting kirot sa aking dibdib dahil sa pangmamaliit nila sa buhay na mayroon kami.

"May trabaho na po ako. Sa grocery. Saleslady po ako roon. Hindi man po kalakihan ang sahod ko pero kumikita parin naman po ako at sapat para makabili ng isang kilong bigas at mga delata at kung ano-ano pang kailangan namin."

Iyon ang sagot ko sa kapit-bahay naming si Aling Meyang na siyang madalas maliitin ang buhay namin.

Isa na ang nawala sa amin kaya kailangan na naming gumawa ng paraan para hindi na iyon maulit pa dahil lang sa wala kaming perang pang pa-gamot at pambayad sa hospital sa tuwing may nagkakasakit sa amin.

Ginamit ko ang mga salitang araw-araw naririnig ko sa mga taong nasa paligid namin na walang ibang ginawa kundi maliitin, kutyain at apakan ang buong pagkatao namin dahil sa estado ng aming buhay.

Lumakas ang loob ko. Nagkaroon ng tapang sa aking dibdib upang harapin ang hamon ko sa buhay. Hindi dahil naranasan na naming mawalan ng minamahal kundi...nagsasawa na akong nakikitang nasasaktan ang pamilya ko dahil sa ibang tao.

Nakapagpundar ako ng materyales para sa bahay namin. Gusto ko kasing maging maayos ang tirahan namin. Ang dati naming butas-butas na yero at sako-sako ay napalitan na ng bagong galva. Ang dating sako ring naming pader ay may hollowblock na bagamat may ilang parin de kahoy ang gawa. Pati ang pintuan maayos na din. Napalitan na ring iyon ng tabla. Semento na din ang sahig namin. Hindi na lupa na madalas maging putik sa tuwing umuulan at tumatagos sa butas-butas naming yero.

Ang mga gamit namin sa loob ng bahay ay unti-unti na ding napapalitan. Mula sa mga plastik na baso, may pingas na basong babasagin, pinggan plastik at mga yupi-huling kutsara. Lahat na iyon ay de metal at babasagin na. May babasaging pitsel na ding kami at magandang mesa.

May mga lagayan na ding kami ng mga damit. Mga Durabox. Tig-isa kaming maganak. At may maliit na TV. May mga matitino na ding kaming mga unan at kumot at banig na may kutson. Hindi na kami natutulog ng walang sapin. Komportable na kaming matulog sa magandang higaan.

Lahat ng wala kami noon ay mayroon na kami ngayon.

At ang lahat ng natatamasa namin ngayon ay pinagpapasalamat ko sa panginoon. Nagpapasalamat ako na hanggang ngayon. Hindi niya kaming pinababayaan sa kabila ng nangyaring trahedya sa buhay namin.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now