Chapter 5

390 16 0
                                    

Chapter 5

Sabado ng gabi heto kaming lahat ng pamilya ko sa ilalim ng punong Indiang mangga habang nakaupo sa mahabang upuan na gawa pa sa puno ng Melina. Kasulukuyang kaming nakikinig sa payabangan ng mga kapatid ko tungkol sa magiging propesyon nila paglaki.

"Basta ako magiging doktor ako para magamot si Tatay at nanay kapag nagkasakit sila tapos gagamutin ko din si Mikmik!" Pagyayabang ng kapatid kong si Marlon siya ang sumunod sa akin nasa sampung taong gulang limang taon ang agwat namin.

"Ako naman guro pag laki ko para tuturuan ko ang hindi marunong magbasa at magbilang na mga bata!" Pagyayabang naman na isa ko pang kapatid na si Marina. Nasa edad walo naman ito.

Sumunod na nagsalita si Mikmik na siyang pinakabata sa amin.

"Ako naman Nay, Tay, Gusto ko maging engineer para maitayo ko kayo ng magandang-maganda at malaking-malaking bahay! Para hindi na tayo mababasa ng ulan kapag may tumutulo sa butas. Hindi na din tayo matatanggalan ng yero kapag malakas ang hangin at bagyo. Tapos magpapalagay ako ng maraming-maraming kuryente para marami tayong ilaw."

"Ako din magpapadami ako ng maraming-maraming pera para makabili tayo ng TV natin kasi lagi nalang tayong nakikinuod kay Aling Molina."

"Bibili din ako ng washing-machine ni Nanay para hindi na siya mahirapan maglaba at masugatan ang kamay niya."

"Ako naman nagpapatayo ng malaking tindahan para hindi na tayo uutang palagi ng kakainin natin kasi lagi nalang pinagagalitan si tatay sa mga tindahan kapag umuutang siya ng sardinas at isang kilong bigas."

Nanlalabo ang mga matang sinulyapan ko sina nanay at tatay. Mula sa puwesto nila tahimik paring silang nakikinig sa mga sinasabi ng mga kapatid ko ngunit ang kanilang mga mata'y namumula na dala ng magkakasunod na pagtulo ng kanilang mga luha.

Si Tatay palihim na pinunasan ang luha gamit ang damit niya. Si nanay naman ay yumuko upang hindi makita ng mga kapatid ko ang pagalpas ng luha nito.

Kahit ako ay hindi ko na ding napigilan mapahikbi.

"Hanla Nay, Tay, Ate, Bakit po kayo umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Marina sa amin.

Mabilis naming tinuyo ang mga basang pisngi at ngumiti ng matamis sa kanila.

"Natutuwa lang kami mga anak dahil bata palang kayo pero marunong na kayo mangarap." Wika ni Nanay. Ang mga mata nito'y namumula pa ding.

"Oo nga mga anak, kaya mag-aral kayong mabuti para matupad niyo lahat ng pangarap niyo." Wika din ni Tatay sa kanila.

Alam ko kung gaano kasakit para kay tatay ang isiping matutulad sa kami sa kanila na walang narating sa buhay kaya hangga't maaari ay kinakaya niya kaming itaguyod. Umulan man o umaraw nasa gitna siya ng bukid nagtatanim. Kahit nauuhaw at kumakalam ang tiyan nagtitiis paring siya.

"Opo Tay, Mag-aaral po kaming mabuti para hindi na kayo mahirapan ni Nanay." Saad ni Marlon at saka ito ngumiti ng malapad.

"Ako din po Tay, Nay, Mag-aaral ng mabuti!" Sunod na sambit ni Marina.

"Ako din po." Singit naman ni Mikmik.

"Kung ga'non aasahan ko ang mga iyan." Ani Tatay at saka ako sinulyapan. "E ang ate niyo? Hindi niyo ba tatanungin kung anong gusto niya?"

Bumaling sa aking ang tatlo kong kapatid pati na ding si Nanay.

Ngumiti ako sa kanilang lima.

"Syempre, Kahit hindi ako matalino tulad ng iba magtatapos pa din ako ng pag aaral at maghahanap ng magandang trabaho. At tulad niyo, gagawin ko din ang lahat para hindi mahirapan sina Nanay at Tatay." Sabi ko habang nakatingin sa mga kapatid ko.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now