Chapter 40

250 11 1
                                    

Chapter 40

Akala ko...kapag sinubukan ko...kaya ko.

Akala ko kapag masaya ako. Tuloy-tuloy iyon.

Hindi pala.

Oo. Umiikot ang mundo. Nagbabago ang panahon.

May dumarating may umaalis.

Katulad ng pag-ibig,

Kapag baguhan ka, Sa una masaya. Sa gitna naghihintay ka ng susunod na mangyayari at ang panghuli...lungkot at sakit ang idudulot.

Noong bata ako nong nasa elementarya palang palagi na akong inaasar ng mga kaklase na bobo raw ako. Kung hindi uno ang nakukuha kong score ay zero naman. Pati sa hayskul ay ganon parin ang nararanasan ko. Kung hindi ako mali sa grammar ay baluktot naman ang pagiingles ko. At kung minsan, hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng ingles na sinasambit ko.

Sa tuwing may turista sa baryo namin mga taga ibang bansa. May pagkakataong nagtatanong sila sa akin at sa huli pinagtatawanan ako dahil mali ang sagot ko sa kanila. Minsan, Tinawag pa akong idiotmatic ng isang amerikano hindi ko alam ang ibig sabihin niya pero sa aking dibdib masakit.

Palaging nangyayari iyon sa tuwing may dumadating turista sa amin. At kapag napapahiya ako, Laging andyan ang dalawang kaibigan ko. Pinagtatanggol ako. Sila ang nagtatama ng maling sagot ko sa mga turistang may lahi.

Hindi ko naman ginusto ang ganito pero bakit parang kasalanan ko pang bobo ako? Kasalanan ko bang kahit mag-aral ako ng maghapon ay mahina pa din ang pagkakaintindi ko? At yung pagiging mahirap ko? Anong konek non sa pagiging bobo ko? Dahil ba wala kaming pang tutor para maturuan ako ng guro sa bahay?

Ang sakit....nasa tuwing nagkakamali ako, ang kabobohan at kahirapan ko ang sinisisi.

Tulad na lamang ng relasyon namin ni Noli.

Akala ko kapag naging kami...sasaya kami. Walang kokontra. Walang manunubok na hadlangang kami.

Pero nagkamali ako.

Hindi lahat ng tao masaya para sa inyo.

May iba...hahadlang hangga't kaya kang paalisin sa piling ng taong mahal mo.

Gagawa ng paraan para ikaw na mismo ang susuko.

Nakakalungkot man isipin na...ang taong nangako sa iyo ay siya ring palang bubuwag ng pangakong iyon...

Hindi na ako nagpumilit. Hindi na nagkipagsiksikan. Tinanggap ko na lamang ang katotohanang kahit kailan...wala na akong maasahan.

Anim na buwan na ang nakaraan mula ng umalis si Noli patungong Saudi kasama ang kinakapatid nitong si Vina. Masaya ang lahat dahil muling nagkasama ang dalawa habang ako...nasa sulok ng bahaging karayan nagdurugo ang puso at umiiyak.

"Myrna!"

Mabilis kong pinahid ang basang pisngi ko ng marinig ang boses ng kaibigan kong si Almira. Lumingon pa ako sa pinanggalingan ng kaniyang boses. At ayun siya, Nagkukumahog na bumaba mula sa itaas ng pilapil. Muntik pang sumabit ang laylayan ng palda nito sa sanga ng punong malunggay. Nasa bandang ibaba kasi ang puno habang siya nasa itaas pa.

"Nandito kalang pala! Kanina ka pa namin hinahanap ni Wilma!" Wika ng babae makalapit sa akin. Pinasadahan pa ako nito ng tingin. "Anong itsura 'yan?"

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ