Chapter 36

199 9 3
                                    

Chapter 36

"Sir, Magdeday-off po kami bukas ah?"

"Bakit? May date ba kayo?"

"Naman Sir! Porke ba magdeday-off may date agad? Hindi ba pwedeng rest day naman?"

"Baka lang naman."

"Ang Sir naman!"

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kina Sir Geovan at Almira. Kasulukuyang nagaantay na kami ng masasakyang pauwi. Nakapagsara na kami ng pwesto kaya lahat kami ay nasa labas na. Magaalas-sais na ring ng gabi.

Hindi na ako nagtaka ng sumali pa sa usapan nila dahil wala din naman akong masasabi at isa pa, Si Almira lang naman ang nagpaplano ng day-off. Dahil ako wala naman talagang balak. Sabado pa bukas at linggo naman talaga ang day-off.

"O ano na Sir? Payag ka na? Papasok naman kami ng linggo eh." Turang pa ni Almira habang sinisilip ang mukha ni Sir Geovan. Nakatagilid kasi ang ulo niya kaya hindi saktong nakaharap sa babae.

Bumuga muna ng malalim na hininga si Sir Geovan bago sagutin ang makulit na kaibigan ko.

"Okay, Pero charge ko kayo sa opening and close ah?"

Napalatak si Almira.

"Sure Sir! No problem!"

Bumaling ang babae sa akin at ngumisi ng malapad.

"O kitam? Pinayagan na tayo sa day-off natin kaya may time na kayo ng bebe mo."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Ikaw lang naman ang may gustong magday-off eh. Ako hindi ko naman kailangan dahil wala naman akong gagawin bukas bukod sa magtinda ng kakanin at mais kapag hindi ako pumasok dito." Nakasimangot na sabi ko.

Pumalatak siya.

"Sus. Kunwari kapang ayaw mo eh, Alam ko namang natuwa kang pumayag si Sir Geovan sa day-off natin. Huwag kang magalala. Tutulungan kitang makausap ang bebe mo." Panggogoyo pa nito sa akin sa huli.

Umismid ako.

"Kahit 'wag na Almira. Kaya ko namang harapin si Noli ng magisa."

"Ows? Talaga?"

Lalong nalukot ang mukha ko.

"May LQ kayo ng boyfriend mo Myrna?"

Napabaling ako sa amo naming binata.

"Oo Sir! A weeks ago na silang hindi nagkakausap ng bebe niya kaya ayan palagi siyang matamlay." Si Almira ang sumagot.

"Almira! Private namin yun!" Saway ko sa kaniya.

"Baka privacy Myrna." Pagtatama nito sa sinabi ko.

"Pareho din naman yun eh!"

"Okay,"

Humarap ako kay Sir Geovan.

"Sir, Sige po alis na po kami ni Almira. Nandiyan na po ang sundo namin." Paalam ko rito.

Tumango naman agad ito.

"Sige. Ingat."

"Halika na Almira." Aya ko sa babae at hinila na ito patungo sa owner na pumarada sa gilid ng kalsada.

"Hoy Myrna. Kanina kapa hinihintay ni Noli sa bahay niyo kaya sakay na dali para makaalis na tayo." Wika ni Mark ng makalapit kami sa sasakyan.

Bahagya naman akong natigilan.

Si Noli nagaantay sa bahay? Nagpunta siya roon matapos niyang hindi magparamdam ng dalawang linggo dahil sa nangyari sa pagitan namin ng nanay niya. Pero bakit siya nagpunta sa bahay? Paano kung malaman ng nanay na naman niya? Edi magagalit na naman sa akin.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now