Chapter 30

200 8 0
                                    

Chapter 30


"Manang, Asan po ito dadalhin?" Tanong ko sa matandang costumer namin. Katatapos ko lang balutin ang mga pinamili niyang grocery sa isang malaking karton. 

"Idiay lattan traysikel nga red," anito sa salitang ilokano.

"Wen Manang," 

Binitbit ko ang karton hindi naman kabigatan at dinala sa nakaparadang pulang traysikel sa tapat ng pinapasukang naming grocery ni Almira na siyang service ng matandang babae.

Nagumpisa na kaming mamasukan ni Almira sa palengke bilang saleslady sa Irog Grocery. Hindi siya kalakihan. Hindi ring naman kaliitan pero sapat na pwedeng pamilihan ng mga mamimili. One-fifty per day ang sahod namin at arawan pero nakiusap ako sa amo naming lingguhan ko kukunin ang sahod ko pumayag naman ang may-ari. May day-off din kami sa isang buwan. Bale apat kaming magkakasama sa grocery. Ang isa ay taga repack ng mantika at asukal. Yung isa naman lalaki taga-buhat ng mga mabibigat tulad ng mga case ng alak at softdrink. Kami naman ni Almira ang siyang nagbabantay kapag may papasok na costumer.

Iyong nasa kahera pala ay anak ng amo namin. Si Sir Giovanny. Kaedad lang namin pero ayon sa kasama naming si Joyce na siyang taga repack ng asukal at mantika ay nagaaral raw ang lalaki at abogado ang kurso. Gwapo ang lalaki. Payat at maputi at matangkad. Singkit ang mga matang kulay kayumanggi. Maninipis ang mapupulang mga labi na may matangos na ilong. Mabait si Sir Geovan, ayon sa kaniya ay iyon daw ang itawag namin sa kaniya para daw madali.

"O break muna mga bes!" Anang Onang. May dala-dala ang babaeng mga banana cue at sago na nakaplastik cup at isa-isa kaming binigyan.

"Break daw muna sabi ni Onang." sunod na sabi naman ni Sir Geovan. "Libre mo 'yan 'Nang?" Tanong pa ng amo namin sa babae.

Kaagad naman nagreak ang kasamahan namin.

"Ay sir, Hindi. Babayaran mo po ito. Iyon po kasi ang sabi ko kay Aling Luming. Pinalista ko ang pangalan mo sa kaniya hehe." Turan ni Onang sa amo naming binata. 

"Ay napakwaswerte naman ng babaitang ito." Palatak ni Sir Geovan bagamang nasa tono ang pagbibiro. Tumayo ito sa pwesto niya sa harapan ng kaha at lumapit sa amin at kumuha ng isang barbecue at sago palamig.

"Naku Sir, Baka mahaba na listahan niyo kay Aling Luming si Onang pa naman iyan." Palatak naman ng isa sa mga kasamahan naming si Bugoy. Ang kargador o mas tawag Helper boy ayon kay Almira.

Tahimik lang kaming nagmemeyenda ni Almira sa isang tabi. Nahihiya pa kasi kaming makahalubilo sa kanila. Pero paminsan-minsan ay kinakausap kami nila Onang at Bugoy. Hindi sila mahirap pakisamahan. Masayahin at kwela si Onang habang ang lalaking si Bugoy ay mukhang hambog pero tulad ng babae ay masayahin ito. Kanina nga ay nagpapatawa ito. Para daw hindi boring. Tawa naman kami ng tawa sa mga kwento niya. Isa na kasi roon ang kilalang kwentong si Juan at Pedro.

"Pagkatapos nitobg meryenda asikasuhin niyo 'yong listahan ng mga nagreserve ah," Mayamayang sambit ni Sir Geovan habang ngumunguya. May laman kasi ang bibig nito.

"Ay oo Sir, Sina Almira at Myrna na ang bahala roon." Anang Onang matapos lunukin ang kinakain.

Lumipat naman ang tingin sa amin ng amo naming binata.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now