Chapter 51

339 15 2
                                    

CHAPTER 51

"Oy, Ano na Myrna? Kayo na ba uli ng jowa mo?"

Napahinto ako sa pag nguya ng mani at napatingin sa kaibigan kong si Wilma matapos marinig ang katanungang niya. Prenteng nakaupo siya sa mahabang upuan nila na gawa pa sa punong narra.

"Ha? Sinong jowa? Wala naman akong jowa ah,"

"Yung Jowa mong pinagpalit ka minsan sa kinakapatid niya? Hindi mo naging jowa 'yon?"

Nalukot agad ang mukha ko sa sinambit niya.

"Hindi! Ang ex ay past na!"

"Alam ko. Pero hindi pa kayo nagkakabalikan?"

"Hindi!"

"Hindi pa?"

"Oo! At bakit may Pa? Wala naman akong balak balikan ang negrong iyon eh!" Nakasimangot na saad ko.

Nagbago siya ng posisyon at tumagilid paharap sa akin.

"So mali ang kwento sa akin ng kapatid mo?"

"Ha?"

"Sabi sa akin ng Kapatid mong si Marlon. Binigyan mo raw ng chance ang Kuya Noli niya. Palagi pa nga daw sa bahay niyo. Doon naglalagi. Halos d'on na nga raw tumira eh." Prenteng paglalahad ng babae sa akin.

Umingos ako.

"Kung gano'n mali ang nabalitaan mo!" Patutsada ko.

"Baka ikaw."

"Anong ako?"

"Mali-mali ang sinasabi ng bibig mo pero sa puso't isipan mo ay gustong-gusto mo ng magkaroon kayo uli ng unawaan ng minamahal mong Negro."

Lalong nalukot ang mukha ko sa pinagsasabi ng kaibigan ko. Bakit ba biglang nagbago ang pananaw niya sa amin ng negrong iyon? Dati-rati naman ay galit siya kasi sinaktan ako ng lalaking iyon. Pero bakit ngayon lubos-lubos ang pagsisimyento niya? Hindi naman kaya may alam na siya sa pag-ibig? O baka naman may unawaan na din sila ni Mark? O baka naman sila na!

"Kayo na ni Mark 'noh?"

Agad niya akong binago ng isang pares ng kaniyang tsinelas ng tanungin ko 'yon sa kaniya.

"Gaga! Hindi kami talo!" Sikmat pa niya.

"Hindi kayo talo?"

"Oo! Panget siya! Maganda ako!"

"Edi bagay kayo."

Binato uli niya ako ng natitirang pares ng tsinelas niya.

"Hindi ako ang topic dito gaga!"

Umingos lamang ako sa sinabi niya.

Umayos uli siya ng posisyon. Tumihaya siya ngunit ang dalawang braso ay ipinailalim sa kaniyang ulo.

"Alam mo Myrna...hindi masamang balikan ang taong nagsisi na sa ginawa."

Napatitig ako kay Wilma ng marinig ang sinambit niya.

Bumuka uli ang kaniyang mga labi.

"At hindi ring naman masamang amining...siya pa rin ang nilalaman ng puso mo."

Mabilis kong iniwas sa kaniya ang paningin ng bigla siyang sumulyap sa akin. Ang kaniyang mga mata ay tila may gustong iparating.

"H-hindi na siya ang nilalaman ng puso ko Wilma," wika ko sa mahinang boses at kahit hindi ko siya tignan alam ko na ang reaksyon ng kaniyang mukha. Nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin ng may panguuyam. Dahil ganon naman talaga si Wilma.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now