Chapter 1

70.7K 2.1K 1.2K
                                    

Story





"Let me..." nakangising sabi ko kay Sov nang makita kong hirap siya sa pagbaba sa hagdan dahil sa suot na gown.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at ako na mismo ang yumuko para buhatin ang laylayan ng gown niya so she can walk better.

"Thanks..." nakangising sabi niya sa akin kaya naman ngumisi na lang din ako.

Halos buong program ay nasa labas lang kami ni Sov dahil ayaw na niyang pumasok sa loob dahil sa nangyari sa kanila ni Jasper.

"Masyadong makulit, masyado pa tayong bata para sa relationship," sabi niya sa akin kaya naman nagtaas ako ng kilay.

"Hindi sa akin," pagbibida ko sa kanya.

I do believe na you can enter a relationship as long as you're ready and mature enough.

Nginusuan niya ako at inirapan pa kaya naman mas lalo akong napangisi. Bumaba ang tingin ko sa balikat niya. Marahan kong inayos ang pakakapatong ng coat ko sa kanya nang lumihis ito.

"Strict si Daddy," sambit niya.

Kaagad akong tumango. I couldn't agree more. Ilang beses ko nang na-meet ang Daddy ni Sov. Ilang beses pa nga niyang napagkamalang nililigawan ko ito dahil sa pang-aasar ni Isabella sa amin.

After ng JS prom namin ay naging abala na kami para sa pagkumpleto ng mga requirements at practice na din para sa graduation. Some of our classmates ay emotional dahil ang iba sa kanila ay sa iba't ibang university mapupunta.

"May plan ka sa weekend?" tanong ni Isabella sa akin habang naglalakad kami sa hallway para pumunta sa cafeteria.

Nagkibit balikat ako. I don't have other plans kaya naman aattend na lang ako sa Jiu-Jitsu training ko and spend the whole the sa gym, I guess.

"Gym," maiksing sagot ko sa kanya kaya naman Isabella groaned in protest.

"Sama ka sa amin ni Sov. Pupunta kami sa bagong Cafe. Alam mo naman yung isang iyon...addict," she said kaya naman inirapan ko siya.

Her cousin Sovannah wants to have her own Cafe or Pastry shop someday kaya naman pag may bagong bukas near us ay asahan mong pupuntahan namin iyon.

"I'm not sure, absent din ako sa training ko last week," sagot ko sa kanya kaya naman sinimangutan niya ako.

Nawala ang atensyon ni Isabella sa akin nang tawagin siya ng friends niya from other section. Nagpaalam na akong mauuna na sa cafeteria dahil siguradong marami nanamang tao at mahihirapan nanaman kami sa paghahanap ng upuan.

Papasok pa lang ako ay naka-received na ako ng message from Isabella na hindi na siya makakasabay na mag lunch sa akin dahil sasama siyang kumain sa labas with her friends.

Inirapan ko ang phone ko at kaagad na itinago iyon sa bulsa ng suot kong pantalon. Graduation practice at para na lang sa requirements kaya kami nasa school reason for us na hindi na kailanganing magsuot pa ng uniform.

"Oh, kamusta na ang Kuya at mga pinsan mo?" tanong ni Ate sa akin.

Kilalang kilala na niya kami ng mga pinsan ko dahil daw sa katakawan nina Kuya at Piero. Kung umorder kasi ay akala mo ginugutom sa bahay.

"Gutom pa din po," nakangising sagot ko sa kanya kaya naman natawa siya.

Mukha namang hiyang kaagad sina Kuya Hob at mga Pinsan ko sa college life dahil wala pa naman akong naririnig na reklamo mula sa kanila. Depende na lang kung kaya hindi nagrereklamo dahil hindi nag-aaral nang mabuti?.

A Dream that never came (Sequel #4)Where stories live. Discover now