Chapter 2

48.7K 1.7K 764
                                    

Selos





Binalak kong gumawa ng ibang account just to confirm kung totoo ngang she blocked me. Hindi ko din alam kung ano ang naging mali ko. Hindi ba siya comfortable sa ilang likes ko sa picture niya? Anong magagawa ko? Maganda naman talaga.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay lalo na sa preparations for my college entrance exam. Kagaya ni Kuya Hob ay balak kong kumuha ng Engineering course since nasa family business din namin ang mga real estate.

"Dito ka magco-college, Eroz?" tanong ni Kenzo kay Eroz ng magkayayaan mag-inuman sa bahay nila.

Game si Tito Axus, hindi naman niya kami pinagbawalan uminom basta ay walang magdi-drive at nandito kami sa kanila.

"Dito. Dito na muna ako sa Manila," sagot ni Eroz sa kanya habang abala sa nilalarong game sa Xbox.

"Hindi ka na babalik sa Sta. Maria?" dugtong na tanong naman ni Cairo.

Nagkibit balikat na lang si Eroz bilang sagot bago tinungga ang can ng beer.

"Pag kulang pa, magpabili na lang kayo..." sabi ni Tito Axus nang magpaalam sila sa amin ni Tita Elaine na aalis.

"Saan kayo pupunta, Tito?" tanong ni Piero.

Hindi nga nagtanong si Eroz na anak nila, pero 'tong si Piero na pamangkin ay nakuha pang magtanong.

"Bakit sasama ka?" balik na pang-aasar ni Tito sa kanya.

"Ayoko sa mga corny dates ng mga matatanda. Umuwi kayo ng maaga ha," laban ni Piero dito kaya naman natawa na lang si Tito Axus dahil sa kakapalan ng mukha ng pinsan namin.

Lumalim ang gabi hanggang sa hindi na namin namalayan kung ilang can ng beer ang na ubos naming magpipinsan.

"Pwede na bang uminom si Hunter?" tanong ni Tadeo ng mapansin niyang nakikipagsabayan ako sa kanila.

"Pwede na 'yan," sagot ni Kuya Hob habang ang focus niya ay sa laban nila ni Piero.

"Hindi pa college..." kantyaw ni Piero.

Ngumisi na lang ako at hindi na sila sinagot pa. Kanina pa ako nakatingin sa phone ko. Something inside me wants an update about her. Naka-uwi na ba sila ng Pilipinas form their out of the country trip?. Bakit niya muna ako binlock?

"Pag binlock ka na...meaning ayaw sa'yo. Wag kang makulit," suwestyon ni Piero ng mapag-usapan nila ang kaibigan ni Kenzo.

"Gumawa ng ibang account pero nakilala ulit," nakangising kwento ni Kenzo sa amin.

"'Yan ang wag na wag mong gagawin. Halatang patay na patay ka...keep your cool up, matatakot pa sa'yo yung babae niyan," pangaral ni Kuya Hob sa amin na akala mo kung sino siyang expert. Takot nga 'to kay Isabella.

"Tama, Tama! Kumain na tayo...gutom na ako," singit ni Piero kaya naman sinuntok siya ni Kuya sa braso at tinawanan.

"Gago, hindi talaga makaka-usap ng maayos pinsan niyo."

"Hindi ko na pinsan 'yan," pagtatakwil ni Eroz sa kanya na namumula na din dahil sa dami nang na-inom.

"Buti na lang hindi ko pinsan," sabi ni Cairo.

"Mas malala kasi kapatid mo," kantyaw ni Kuya Hob kaya naman natawa sila.

"Amputa, itakwil daw ba ako? Parang gusto ko kayong pamilya," laban ni Piero para isalba ang natitira niyang dignidad kung may natira pa.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon