Chapter 60

48.9K 2K 498
                                    

Wedding








Pilit na nag-iwas ng tingin si Sovannah sa amin. Na para bang wala talaga siyang balak na pansinin kami. Its' not like she was obliged to do that, but there is something about the way she tried to avoid us.

Nilingon ko si Hunter. I want him to do something, I don't know exactly but I want him to move. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya naman kumunot ang noo niya. Hindi niya ma-intindihan ang gusto kong sabihin. Ako naman ang nagtaka ngayon sa kung paano siya dumikit sa pader ng elevator.

Nginuso ko si Sovannah, I want him to ask her. Hindi ko din ma-intindihan.

"Sov..." tawag ni Hunter sa kaibigan ng magkaroon siya ng ideya kung anong gustong mangyari.

Saglit lang niya kaming nilingon at tipid na tinanguan bago niya inabala ang sarili sa hawak niyang phone.

"What are you doing here?" tanong pa ni Hunter dito.

Isang mabilis na lingon muli ang ibinigay niya sa amin.

"Check-up..." tipid na sagot niya.

Nilingon ko si Hunter, nakita kong bumaba din ang tingin niya sa baby book na hawak nito.

"Baby book? Sinong bata ang pinapa-check up mo?" tanong pa ni Hunter sa kanya.

Nakita ko sa mga galaw niya kung paano siya natigilan dahil sa tanong na 'yon. Napabuntong hininga si Sovannah, pagod niyang ibinaba ang phone na hawak niya.

"Look...pwede bang kalimutan niyo na lang 'tong nakita niyo?"

"Why? Anong problema?" tanong ni Hunter sa kaibigan.

Nilingon kami ni Sovannah, ngayon hinarap na niya kami. Mula sa amin ay bumaba ang tingin niya sa hawak na baby book.

"Bel has a son. Bawal 'tong lumabas sa puclic since ang dami niyang issue na kinakaharap ngayon."

"May anak na si Bel? Kanino?" tanong ni Hunter na ikinabigla ko din.

Masyadong mabilis pagdating sa mga chismis.

"Someone she met in the US. Please, she'll kill me pag nalaman niyang sinabi ko sa inyo," problemadong sabi ni Sovannah.

"W-we can keep a secret," paninigurado ko sa kanya.

Tiningnan niya ako, napabuntong hininga siya.

"Thank you, Ahtisia..."

Nanatiling tahimik ang katabi ko. Para bang hindi ma-proseso sa utak niya ang nalaman tungkol sa mga kaibigan.

"Kamusta ang baby niya?" tanong ko kay Sov.

I want to have a casual conversation with her. I want to ask her kung kamusta siya, kamusta ang buhay niya after we lost Hugo.

"Pinagbawalan siyang lumabas ng manager niya, kaya ako muna ang umaasikaso sa baby niya. The baby is fine...he's healthy," sagot niya din naman sa akin.

Tumunog ang elevator tanda na bababa na kami.

"C-can we meet soon? May ibibigay ako sa 'yo..." sabi ko sa kanya.

"The letter?" tanong niya sa akin.

Hindi na ako nagulat pa na alam niya ang tungkol doon. Nabalitaan ko din kasi na halos palagi siyang dumadalaw kay Tita Chatterly, palagi siyang pumupunta sa mga lugar na madalas puntahan ni Hugo.

Ang sakit lang na isiping she keeps on doing something to get to know him kahit pa wala na si Hugo dito. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko pa ang tungkol sa kakambal nito.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon